CHAPTER 6: 1st Meet Up

268 12 0
                                        

Nasa harap ako ngayon ng mirror ko pinagmamasdan yung uniform ko. Naka long sleeves na blouse kami sa loob tapos neck tie, tapos may coat na red tyaka skirt na maroon.

Ang liit na sakin ng uniform ko waaaa!

Tumangkad ba ako buong summer?!?! Waaaaa! Gusto ko magpalit!

Biglang pumasok si Lucas sa kwarto ko.

"Huy! Nasa car na sila kuya. Ano pa ginagawa mo dyan?" Sabi saakin ni Lucas.

"Lucaaaaaas! Yung uniform kooooo!" Pagrereklamo ko.

"Bakit ano nangyari? Napunit? Natapunan ng tubig? namantsahan? Nasunog?" Sunod sunod niyang tanong.

"Above the knee na sya." Nag pout ako.

Binatukan nya ako.

"Nakakainis ka! Eh tumangkad ka eh ano ba aasahan mo? At tyaka above the knee naman talaga lahat ng skirt eh sayo lang hindi last year. Mas okay na nga yan di ka na mukhang lalaki. Fitted na sayo yung damit." Sabi ni Lucas.

"Ayoko eh!" Pagrereklamo ko ulit.

"Wala ka na magagawa. Wag ka nga OA! Naka knee socks ka naman eh. Tara na!" Sabagay hays. Hayaan ko na nga lang.

Bumaba na kami ni Lucas at nagpaalam kina mommy and daddy bago kami pumasok sa kotse.

Yung strech limo ang ginamit namin. I mean dati pa naman namin ginagamit tong strech limo papunta sa school eh.

Mga 20 minutes ang byahe papunta sa school.

"Hays. School nanaman." Sabi ni kuya Kale.

"Ayoko pumasok." Sabi naman ni kuya Gabe.

Si kuya Nathan naman tahimik lang at parang na bbore.

Nasa loob na kami ng school at ibababa nalang kami sa lobby.

"I missed this school." Sabi ni kuya Kale.

"Same pero di pa ako ready mag aral eh." Sabi ni kuya Gabe.

"Pero okay lang, bagay naman sakin yung uniform eh haha! Ang gwapo ko talaga." Grabeng confidence ni kuya Gabe ah? Haha!

"Mas gwapo ako." Sabi naman ni kuya Kale.

Nasa lobby na kami.

"Sorry guys pero, ako ang pinaka gwapo sa magkakapatid." Sabi naman ni Lucas. Aba? Nakisali pa sya?

Nagtawanan lang kami tapos bumaba na din ng car.

As expected ang daming tao.

Pagbaba namin naghiyawan bigla mga babae.

"Oh my! It's the Sanford Brothers!!"
"Waaa! They're so hot!
"Dito na sila magaaral? omg!!!"

"Hanggang dito pala habulin pa tayo ng mga babae?" Bulong ni kuya Gabe.

Ngumisi lang si kuya Kale.

Kahit papasok na kami sa building, nakatingin parin lahat ng babaeng makakadaanan namin kina kuya. Edi sila nang heartthrob. Haha!

"Umm kuya, see you later nalang po. Punta na po kami sa building namin. Bye!" Umalis na kami ni Lucas at pumunta na sina kuya sa building nila.

Habang dumadaan kami sa hallway andaming babae na nakatitig kay Lucas. Yung mga lalaki naman na nakakadaanan ko nagtatago parang nakakakita ng multo.

Tinignan na namin ni Lucas kung ano section namin.

Pag tingin namin sa board sabay kaming nagulat.

The Only GirlWhere stories live. Discover now