CHAPTER 34: Caught

97 6 0
                                        

"Bakit ka nandito sa bahay ni Kenzo?"

Si Kent.

"A-ahm... ano kasi.."

Shete naman! Bakit ba kasi siya nandito? Di ko alam sasabihin ko. Gulat pa ako eh. Dali ako pag sinumbong nya ako kay Lucas. Kailangan ko makaisip ng maayos na dahilan. Waaa!

Tinignan ko siya pero tinaasan lang nya ako ng kilay na para bang inaantay nya sasabihin ko.

"Kasi--"

"It's none of your business, Kent."

Lumingon ako para makita kung sino nagsalita, si Kenzo.

Lumapit siya saaming dalawa ni Kent. Kita naman kay Kent na nairita siya kay Kenzo.

"Who are you to say that to my face?" Seryosong sabi ni Kent kay Kenzo.

"Who are you to boss Blythe around?" Ngumisi si Kenzo.

"Ang kayabangan di dapat inaaraw araw yan." Pang aasar ni Kent. Lakas talaga mang asar nito ni Kent. Kita ko naman yung pagkawala ng ngiti ni Kenzo.

"Baka nakakalimutan mo, pamamahay ko toh."

Natahimik naman si Kent kay Kenzo.

"Sige na aalis na kami, Kenzo." Hinila ko na si Kent palayo, baka kung ano pa gawin niya.

"Magingat ka sakanya, Blythe." Sabi naman ni Kenzo, alam kong inaasar din niya si Kent.

Susugurin na sana ni Kent si Kenzo pero siniko ko siya.

"Sige. Thanks." Sabi ko nalang kay Kenzo at pinasakay ko na si Kent sa loob. Ako na ang nag drive.

Nagdrive na ako agad palabas ng gate at papunta sa school. Ano ba iniisip nito ni Kent at pumunta siya dito?

"Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko kay Kent.

"Malamang sinundan kita stupid." Suplado tss.

"Teka, bakit mo chinachange topic ha? Bakit ka nandun sa bahay nung mayabang na yun?" Tanong nya saakin. Sasabihin ko ba?

Di ko nalang siya sinagot.

"Alam ba ni Lucas?" Nagulat ako sa tanong nya. Di ko nalang siya ulit sinagot.

"Ano ba talaga namamagitan sainyo nung Kenzo na yun?"

Tuloy tuloy lang pag ddrive ko. Bakit ba andami nyang tanong? Sagutin ko na nga lang, ang kulit eh.

"Nevermind."

Magsasalita na sana ako eh kaso pumagitna siya. Edi wag.

Pagdating sa school, bumaba na ako agad sa kotse at iniwan ko na siya, naglakad na ako agad papunta sa classroom.

Habang nag lalakad ako papunta sa classroom nakasalubong ko si Coach Ted, linapitan nya ako.

"Blythe, since tapos na ang shift nyo sa sports clinic every saturday, pwede ka na mag start mag training para sa upcoming na laro." napangiti naman ako sa sinabi ni Coach.

"Thanks coach. I'll be there." Tinapik ako ni Coach sa balikat at umalis na siya. Yes! Makakapag basketball na ako ulit.

Pumunta na ako sa classroom at saktong kasabay ko si Sir Gomez. Nagsimula na siya mag lecture. Di pumasok si Kent buong hapon at nakipagkwentuhan lang ako kay Kendall, syempre nakinig din ako sa lessons.

"Class dismissed."

Umalis na kaagad si Kendall kaya mag isa akong pumunta sa locker room para kunin workbook ko sa Physics.

The Only GirlWhere stories live. Discover now