"Blythe..."
Nung sasabihin nya na, biglang may nag putukan na fireworks kaya di ko narinig sinabi nya.
"Ano? Di ko narinig." Tanong ko sakanya.
Ginulo gulo nya buhok ko.
"Wala. Sabi ko, panoorin mo yung fireworks. Ayan oh." Ahh yun lang naman pala eh. Sus.
Pinanood ko nalang yung fireworks. Ang ganda.
Nung may sumabog na sobrang laking firework napasigaw ako.
"Ang gandaaaaa!" Sigaw ko.
"Oo, ang ganda."
Tinignan ko si Kent, nakatingin siya saakin. Eto namaman, ang bilis nanaman ng heartbeat ko.
Umiwas ako ng tingin sakanya.
"Bababa na ako, nagugutom ako eh." Sabi ko nalang.
"Oki." Sagot nya.
Bumaba na ako,na wweirdohan na kasi ako kay Kent eh.
Kinalimutan ko nalang mga pinagsasabi niya.
Pagbaba ko, kumain na muna ako. Di ako matahimik kada naaalala ko mga sinabi nya kanina kaya uminom ako, yung light beer lang. Naka ubos na ako ng isang bote.
Nung tapos na ako, nakasalubong ko si Ethan.
"Hi bestfriend! Nakita mo ba si Kent?" Tanong ni Ethan.
"Oo, nasa rooftop siya." Sagot ko.
"Luh baliw. Ano ginagawa nya dun? Anyway, sali ka samin!"
"Saan?" Tanong ko.
"Tara, dun sa sala." Hinila ako ni Ethan papunta sa sala. Nagdala na muna ako ng isang cup ng beer. Pag dating ko dun, naka upo ng pabilog lahat ng lalaki at nag sshuffle ng baraha si Lucas.
Umupo si Ethan sa tabi ni ko, at tumabi ako kay Lucas.
"Ano laro?" Tanong ko kay Ethan.
"Poker." sagot nya. Ayos. Matagal na din ako di nakakapag laro ng poker.
"Sasali ka Blythe?!?" Tanong sakin ni Lucas.
"Oo." Sagot ko.
"Patay. Mapuputol na win streak ko. Tsk." Napahawak siya sa buhok nya.
"Ipaghiganti mo kami lahat Blythe ha, kanina pa yan nananalo si Lucas eh. Paubos na pang pusta ko." Bulong saakin ni Ethan.
Tumango nalang ako. Mukhang masaya tong laro ah?
Dinistribute na ni Lucas yung mga baraha at nagbaba na sila ng mga pusta nila.
Puro 1000 linagay nila, mga ten ata kami.
Magkano ba ipupusta ko? Hmmm.
Kinuha ko wallet ko at nagbaba na muna ako ng 3000. Para mas maganda yung laro.
"Sure ka Blythe?" Tanong sakin ni Ethan.
"Sige lang." Ngumiti ako sakanya.
Naglaro na kami. Syempre, ako nanalo.
"Andaya! Ang yaman yaman na nyan ni Blythe eh!" Sabi nung isa naming kalaro.
Uminom lang ako sa beer ko.
"Finders keepers, losers suck."
Naghiyawan naman lahat ng kalaro namin. Natawa tuloy ako. Haha!
Mas dumami na ng dumami mga nanonood samin. Lahat naman ng napapanaluhan ko, pinapang pusta ko lang.
Next na game, nanalo ulit ako. Ano ba yan walang ka challenge challenge.
YOU ARE READING
The Only Girl
Teen FictionWitness the feeling of living in a world with a lot of boys surrounding you. Being the only girl is not easy, but it sure is the worst and best thing that will happen to you.