Biglang bumalik yung kuryente kaya nagulat kami. Tumayo na siya. Inabot nya sakin kamay nya pero di ko kinuha.
"Ang duwag mo." Asar ko nalang para maputol yung awkwardness.
"Eh natatakot ako eh." Sabi nya.
Biglang bumukas yung pinto, si Lucas.
"Oh andito ka pala Brad." Pumasok si Lucas sa loob.
Kinuha na ni Kent bag nya.
"Oo, uuwi na ako. Ingat kayo." Sabi ni Kent at umalis na siya.
"Sige bye!" Sabi ni Lucas.
"Tara na Blythe." Aya ni Lucas. Kinuha ko na gamit ko. Tapos yung folder ng mga paperworks linagay ko sa box at tinabi ko na.
Bumaba na ako after, pinalock ko kay Lucas yung pinto.
Buong byahe pauwi, di ako mapakali. Hahalikan ba dapat ako ni Kent kanina? Pero bakit?
Sinampal ko sarili ko. The heck, naririnig ko ba mga sinasabi ko? Napaka imposible naman na hahalikan ako ng isang Kent Trenton.
"Blythe okay ka lang? Bakit mo sinampal sarili mo?" Tanong saakin ni kuya Kale. Lah! Ano isasagot ko?
"Umm... may lamok po kasi hehe.." sabi ko nalang. Phew!
"Ahh ganun ba? Sige open natin windows." Sabi ni kuya Kale.
Bumukas na yung mga windows. Paakyat na kami sa bundok, sa tuktok kasi bahay namin. Kitang kita yung moon, nung natakpan na yung moon ng clouds, nagpakita yung stars. Ang ganda.
Naalala ko tuloy nung nakita ko mata nya kanina, bakit hindi ako umangal nung nag titigan kami. Eh kasi naman, nakakaadik talaga tignan mata nya. Nung naalala ko tuloy yung pangyayari na yun, yung yakap tyaka mata nya, biglang bumilis tibok ng puso ko.
Ano nangyayari sakin?
Buti nalang nakauwi na kami sa bahay. Nagpalit na ako ng damit at after dinner, pumunta ako sa kwarto nina mommy para mag paalam.
"Mommy?" Kumatok ako sa pinto. Bumukas naman agad.
"Come in." Pumasok ako at humarap kina mommy.
"Ahm mommy, magpapaalam po sana ako." Kabado kong sabi kay mommy.
"Sure. What is it?" Tanong ni mommy.
"Birthday po kasi nung bestfriend ko si Kendall, sa saturday night po may party. Pwede po ako sumama?" Tanong ko.
"OMG! YOU HAVE A BESTFRIEND?!?"
Gulat na tanong ni mommy.
"Opo ehehe..." ngumiti ako.
"Oh of course! My little baby's growing up." Parang naiiyak pa si mommy. Natawa tuloy si daddy.
"Aba di naman na talaga baby yan si Blythe love, 16 na yan eh." Sabi ni daddy.
"I know." Tinarayan ni Mommy si Daddy. Reyna talaga ng katarayan tong nanay ko.
"Ingat ka ha? Enjoy the party." Ngumiti saakin si mommy.
Hinug ko silang dalawa.
"Thank you mommy and daddy! Goodnight!"
After, bumalik na ako sa kwarto ko. Humiga na ako sa kama ko.
Di ako makatulog kaya binuksan ko yung bintana. Ang liwanag ng buwan.
Naalala ko nanaman siya. Kada naalala ko yung nangyari kanina, di ako mapakali. Bakit? Di ko talaga maintindihan eh.
YOU ARE READING
The Only Girl
Teen FictionWitness the feeling of living in a world with a lot of boys surrounding you. Being the only girl is not easy, but it sure is the worst and best thing that will happen to you.
