BLYTHE'S POINT OF VIEW.
Ang haba ng tulog ko. Chineck ko yung orasan. Luh? 1 30 pm na? Ganun ba ako katagal nakatulog?
Di naman ako nagpuyat kagabi ah.
"Paano mo malalaman pag crush mo ang isang tao?"
Nag echo yan sa isip ko, teka. Ah! Oo nga pala. Ginising ako nung bwiset na Lucas na yun kaninang madaling araw tas di na ako nakatulog ulit.
Baliw naman kasi, kung ano ano tinatanong. Bakit niya kaya yun natanong? May crush na kaya siya? Kasi kung meron aba congrats, never pa siya nagkacrush eh, parang ako lang.
Himala at di ako ginising ni mommy. Sobrang gutom ko na kaya after ko maligo, bumaba ako para mag lunch. Mag isa nalang ako mag lunch.
Andami ko kinain grabe. Ang sarap nung Sinigang. Naka sampu akong plato. Kailangan ko mag laro mamaya kasi baka lumaki tyan ko.
Tumaas na muna ako para magpahinga saglit at magpalit ng pang laro.
After ko mag ayos, naglakad na ako papunta sa court namin. Di ko na inaya si Lucas, naiinis parin ako sakanya.
Pagdating ko sa court nag streching na muna ako tyaka warm up. Tapos nag laro na ako.
10 minutes palang ata nakakalipas pero nabbore na ako. Mas masaya pag mag kalaro eh, tawagin ko na kaya si Lucas?
Bago pa ako umalis sa court nagulat ako nung may nakita akong apat na lalaki na papalapit.
"Hi Blythe!"
ANO GINAGAWA NILA DITO?!?
"Tabi nga dyan maglalaro kami." Sabi ni mute.
Wow lang ha?
"Court mo? Bahay mo?" Tanong ko sakanya.
"Hindi, pero umalis ka lang dyan." Nakakairita talaga siya. Ano ba ginagawa nila dito?
Nakatingin lang sakin si Lucas. Oh, bakit di siya makasalita? May kasalanan ka pa saakin ah.
"Dito nalang tayo sa kabilang ring tapos sa kabila si Blythe." Sabi ni Lucas. Nagsimula na sila maglaro, si Zandro lang hindi kasi di siya marunong.
Trinatry ko pigilan yung tawa ko dahil sa paglalaro ni Lucas, di naman kasi siya magaling eh pero pasikat. Turuan ko pa siya pag nagkabati na kami.
Mag sshoot na sana ako pero biglang may nag dunk sa ring na shinootan ko kaya naalis yung bola ko.
Yabang talaga nito ni Kent nakakainis!
"Yan, bagay yan sayo. Sige dunk lang mukha ka namang unggoy eh." Sabi ko sakanya.
"Ako? UNGGOY? Alam mo ba kung ilang babae ang nahimatay nung nakita nila ako mag dunk, tapos ikaw na tomboy ka, tatawagin lang akong unggoy?" Kumukulo talaga dugo ko sakanya.
"Isang ulit mo pa ng tomboy na yan, papalayasin kita dito sa pamamahay ko." Nakakairita mukha niya nakangiti pa siya saakin.
"Tomboy ka."
"ALIS! DALI!" Sigaw ko.
"Teka lang, bisita ako ng kakambal mo kaya di mo ko pwede paalisin." Sabi niya saakin tapos ngitian niya ako. Yung pangasar na ngiti.
"Bakit? Ano meron?" Lumapit si Lucas tyaka Ethan samin ni Kent.
"Eh kasi brad tong kakambal mo pinapalayas ako." At nagsumbong pa siya? Huh. Unbelievable.
Tinignan ko lang ng masama si Lucas.
"Papaalisin mo toh, o ikaw papaalisin ko?" Sabi ko kay Lucas. Sana makuha siya sa tingin.
YOU ARE READING
The Only Girl
Fiksi RemajaWitness the feeling of living in a world with a lot of boys surrounding you. Being the only girl is not easy, but it sure is the worst and best thing that will happen to you.
