"Blythe Sanford, will you go out with me?"
Nagulat ako sa sinabi ni Kenzo. Di ko alam kung anong gagawin ko. Di ko pa maintindihan sarili ko, wala akong ka alam alam sa mga ganito.
Kailangan ko kumalma. He's just asking me out.... hays.
Masaya naman ako pag kasama ko siya at kumportable ako sakanya.
I don't know anything about stuff like this, but I like it whenever I'm around him, even though I'm not sure of it yet, I wan't to give it a try.... so...
"Yes, I'll go out with you."
Pagkasabi ko nun, naghiyawan lahat ng tao at rinig na rinig ko yung kilig at tilian ng lahat.
Tumayo si Kenzo habang nakangiti at sinuot nya saakin yung necklace. Nagulat ako kasi bigla nya akong yinakap.
"You have no Idea how happy I am right now."
Feeling ko namula ako sa sinabi nya. Bumitaw na siya sa pagkakayakap saakin, sinugod naman siya ng mga team mates nya at inasar asar siya.
Tinignan ko si Kendall at kinikilig siya.
Napatingin ako kina Lucas, wala lang silang reaction. Pero nagulat ako kasi wala si Kent. Asaan yun?
"Tara." Aya sakin ni Kenzo at hinila nya ako palayo sa stadium.
Kahit nakalayo na kami, rinig ko parin yung hiyawan nilang lahat.
Pinagbuksan nya ako ng pinto sa sportscar nya at sumakay na ako. Pagkasakay nya, nag drive siya palabas ng school.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"I have a surprise for you." Nakangiti nyang sabi. Nacurious naman ako kung ano yun.
Maya maya nakarating kami sa isang tagong lugar, parang siyang rest house na tambayan. Ang ganda.
Bumaba na siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.
Naglakad siya papunta sa may bench at umupo siya. Overlooking view siya at kitang kita yung sunset. Ang ganda.
Tinignan ko si Kenzo. Nagulat ako kasi nakatingin na siya saakin kaya umiwas ako ng tingin.
"Bakit di ka makatingin sakin?" Alam kong nakangiti siya habang sinasabi nya yun. Tss.
"Anong hindi? Kaya kitang tignan noh." Sabi ko sabay tingin sakanya. Nagulat ako kasi pagtingin ko sakanya bigla siyang kumindat kaya nagulat ako at namula buong mukha ko.
"You're red. Haha!" Asar nya.
"Pwede mo ba iexplain saakin yung nangyari kanina? Nabigla ako eh."
"I know. You should've seen the look on your face." Asar nya ulit.
"Bakit? Ano ba reaction ko?"
"Biglang kang namula at nanlaki mata mo. It was cute tho." Tumingin siya sa sunset.
Nagkaroon bigla ng awkward silence, buti naman nagsalita na siya.
"Sorry nabigla kita. I just couldn't keep it anymore. Sasabog na puso ko kung itatago ko pa." Seryoso nyang sabi.
"Since when mo ko nagustuhan?" Tanong ko.
"Simula nung hinawakan ko kamay mo."
"Bakit?" Taka kong tanong.
"I felt the butterflies."
Natawa naman ako sa sinabi nya. Parang siyang babae.
Tumayo ako.
YOU ARE READING
The Only Girl
Teen FictionWitness the feeling of living in a world with a lot of boys surrounding you. Being the only girl is not easy, but it sure is the worst and best thing that will happen to you.
