Chapter 37: Date

101 2 0
                                        

BLYTHE'S POINT OF VIEW.

Nakababad ako ngayon sa bath tub ko.  Saturday ngayon at may training kami kasi bukas na yung laban. Naalala kong may lakad pa pala kami ni Ethan after training, manonood kami ng sine.

Naalala ko ulit yung nangyari kahapon....

[Now Playing: A lot like love by Baek A Yeon]

Flashback...

Pagdating ko sa car park, nakita kong nakasandal si Kent sa kotse nya. Parang ang lalim ng iniisip niya.

Lumapit ako sakanya, gusto ko malaman kung bakit nya na gusto mag quit.

"Kent." Pagkatawag ko sakanya napalingon siya agad saakin.

"Bakit di ka pa umuuwi?" Tanong nya sakin.

"Uuwi na din ako, pero gusto kita makausap." Sabi ko sakanya. Umiwas siya ng tingin sakin.

"Kung tatanungin mo lang yung tungkol sa kanina, wag na."

"Di naman yun, gusto lang kita kamustahin. May problema ka ba?" Tanong ko sakanya.

Napatingin siya saakin, pero di siya nagsasalita.

Umiwas ulit siya ng tingin.

"Meron." Sagot nya.

"Ano?" Tanong ko. Tumawa siya ng mahina.

"Hindi ano, sino ang problema."

Nagulat ako sa sinabi nya.

"Sino ba?" Tanong ko ulit. Tumingin siya saakin at ngumisi.

"Gusto mo talaga malaman?" Nagtaka ako sa tanong nya.

"Oo." Sagot ko.

"Ikaw. Ikaw ang problema ko."

Napatigil ako saglit sa sinabi nya. Ako? Paano naging ako?

"B-bakit ako?" Kaba kong tanong. Tumawa siya ng mahina.

"Look how clueless you are, Blythe."

Nagtaka ako sa sinabi nya.

"Bakit nga ako yung problema?" Tanong ko.

.

.

.

"Because you're leaning on my car dummy. Bagong car wash lang yan." Seryoso nyang sabi. Dun ko narealize na nakasandal nga ako sa kotse nya. Umayos ako ng tayo.

"Yun lang?" Tanong ko.

"Nababaliw ka na ba? Bakit naman ikaw yung magiging problema ko?" Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya.

"Buti naman. So ano nga?" Tanong ko ulit.

"Someone who was important to me a long time ago just arrived. And now--- nevermind. Umuwi ka na." Di nya tinuloy sasabihin nya.

"And now ano?"

"It's personal. Why are you being nosy?"

"Curious lang ako."

"Ganun ka ba ka interesado sakin?" Nung sinabi yun ni Kent, naalala ko na sinabi yun saakin ni Kenzo dati.

"Bakit ka napatigil? Totoo noh?" Ang lapad ng ngiti ni Kent. Tinignan ko siya ng masama.

The Only GirlWhere stories live. Discover now