After 45 minutes na byahe, nakarating kami sa isang forest.
Ano ginagawa namin dito?
Pagkita ko may isang malaking bahay na wood and glass. Ang ganda ng paligid. Ang cozy tyaka makulimlim.
Bumaba kami sa kotse. Ang lamig.
Pagbaba namin parang nagulat sina kuya Gabe.
Ngumiti sila kay kuya Noah.
"I missed this place." Sabi ni kuya Kale.
"Paano mo toh nahanap?" Tanong ni kuya Gabe.
"Secret." Kumindat si kuya Noah.
Pumasok sina kuya Gabe sa loob.
"Nasaan tayo?" Tanong ko.
"This looks like a rainforest district. " bulong ni Lucas.
"This is a nostalgic place for your kuyas, Blythe." Sabi ni kuya Noah.
Huh? Di ko gets.
"When we were little lagi kami nandito. Dito kami tumatambay. We bought this house from Grandpa. Binigay nya na to saating magkakapatid." Kwento ni kuya Noah.
Great, another nice place na hindi ko pa napupuntahan yet memorable place na para sa mga kuya ko.
Bakit ba kasi ang tagal kong pinanganak?
"This reminds me of Forks. " sabi ni Lucas saakin. Omg! Dito ba nakatira yung Cullens? Naalala ko tuloy yung favorite movie ko na Twilight. Oo nga noh, kaya pala familiar.
"What I love about this place is that it's so comforting and warm. And the best part, is at the other side of the house. " sabi ni kuya Noah at pumasok na kami sa loob.
Ang ganda sa loob parang lang syang normal na bahay pero 2 floors lang tapos may rooftop. Sa 2nd floor yung rooms tapos sa baba yung living room, dining room and kitchen.
Pagdating namin sa likod ng bahay nanlaki mata ko.
Nakita ko nakaupo sina kuya Nathan, kuya Gabe at kuya Kale sa sand.
Beach?!?!
May bonfire place dito tyaka ihawan. Di ko ineexpect na dagat ang likod ng bahay na toh. Kitang kita dito yung sunset. Kaya din di ko napansin na may dagat pala sa likod kasi andaming puno dun sa Harap na nakaharang pati yung bahay mismo.
Lumapit kami kina kuya Nathan. Umupo din kami sa sand. Haay! Ang ganda ng view. Ang relaxing.
Ang colorful ng sky ngayon ang ganda talaga. Ang ganda din ng simoy ng hangin tyaka yung tunog ng calm na waves.
Tumambay lang kami dun at nagkwentuhan sina kuya Noah ng memories nila dito.
Somehow nakakalungkot din na konti lang ang childhood memories namin magkakapatid kasi maaga silang umalis pa Europe kaya konti lang ang memories namin.
Pero sila nina kuya andami. Dati kasi di ako pinapayagan ni mommy sumama sakanila kasi ang bata ko pa.
Pumasok na sila sa loob pero nagpaiwan ako. Di ko alam nagpaiwan din si kuya Nathan.
"May I ask something Blythe?" Tanong saakin ni kuya Nathan.
"Po?" Tumingin ako kay kuya Nathan.
Antagal bago sya nagsalita na para bang pinagiisipan nya kung ano tatanungin nya.
"I need your opinion about.."
Inantay ko lang kung ano sasabihin niya.
"Nevermind." Tumayo sya at ginulo gulo buhok ko bago sya pumasok sa loob.
YOU ARE READING
The Only Girl
Genç KurguWitness the feeling of living in a world with a lot of boys surrounding you. Being the only girl is not easy, but it sure is the worst and best thing that will happen to you.
