"Welcome Back."
Bumata yung itsura nya.
Isa-isa kaming nag mano sakanya.
"Well if it isn't our Unica Ija, Blythe. How are you?" Lumapit saakin si Grandma.
"Okay naman po ako." Sagot ko.
"That's good to hear. Well, come in! Everyone has been waiting for you guys." Pumasok na kami sa loob ng Mansion ni Grandma.
"Wait, 'everyone'?" Bulong sakin ni Lucas. Bakit sabi ni grandma "everyone" ? Sino pa ba ang nandito?
Pagdating namin sa living room nanlaki mata ko.
BUONG ANGKAN NAMIN NANDITO NGAYON.
Waaaaaa!!
Sina uncle and auntie andito sila lahat!! Pati mga pinsan ni daddy tyaka mga kapatid ni Grandma and Grandpa.
Andito din mga pinsan kong lalaki, pero isa lang ang pinaka nagulat akong makita....
Si...
Nicholas Sanford.
"Bakit andito si Nicolo?" Bulong saakin ni Lucas.
Si kuya Nicolo ang pinsan namin na kaaway ng mga kapatid ko, pero di ko alam kung bakit.
Tinignan ko reaction nina kuya pero chill lang sila na para bang nakalimutan na nila si kuya Nicolo.
Pero sa pag kaka alala ko, ang pinaka kaaway ni kuya Nicolo ay si kuya Nathan, pero di ko din alam kung bakit.
Nagmano muna kami kina uncle and auntie pati na rin kina grandpa and mga pinsan ni grandma.
Habang nag kkwentuhan sila dun lahat, kami naman ni Lucas nakaupo lang.
Lahat ng kuya namin kakwentuhan sina auntie tyaka iba naming pinsan.
Ako lang ang babae sa magpipinsan at lahat na sila lalaki. Except kay Ate Sasha pero nasa States sya ngayon.
"It's been a long time, Blythe." Lumapit saakin si kuya Harry. Anak ni Tito Howard, pinsan ni daddy. Ka close ko din si kuya Harry dati.
"Hello po kuya Harry." Bati ko din sakanya.
Si Lucas kausap naman ngayon yung isa pa naming pinsan.
"How's summer? What lessons did Aunt Diana let you learn this time?" Tanong sakin ni kuya Harry.
"Umm, French and Italian class po." Sabi ko.
Buong angkan namin ay nag finishing school, ganun ka formal ang family namin sa side ni daddy. Sa side kasi ni mommy, lahat Austrailian kaya minsan lang namin makita. Konti lang kami na hindi naka pag finishing school for some reasons pero halos lahat ay nag finishing school.
Nagkwentuhan lang kami dun ni kuya Harry at maya maya nag yaya na si grandma mag lunch.
Pumunta kami sa Events Place ni Grandma dito sa mansion nya at may mga tables na naka handa.
Nakahiwalay samin si daddy and mommy at kami kami nina kuya ang magkakatabi pati ang magkakapatid na anak ni Tito Benedict.
Kung minamalas ka nga naman oh, kasama namin sa table ngayon si kuya Nicolo. Pero parang wala lang epekto kina kuya. Baka samin lang ni Lucas may epekto.
"So, how was Europe? Tanong ni Kuya Liam kay Kuya Arthur. Close si Kuya Liam at si Kuya Arthur, sila ang bestfriends.
"It was good. The food there is great. That's why I had to workout every weekend to maintain my diet. Haha." Nagtawanan sila.

YOU ARE READING
The Only Girl
Teen FictionWitness the feeling of living in a world with a lot of boys surrounding you. Being the only girl is not easy, but it sure is the worst and best thing that will happen to you.