"Hop In."Si Kenzo.
Tinarayan ko lang siya.
"Ayoko nga."
"Sure ka? Sa Taas pa naman ng bundok bahay mo." Nagulat ako sa sinabi nya. Pano nya alam?
"So? Madali lang naman lakarin eh. Tyaka nag papasundo ako sa may Gate namin." Sabi ko sakanya.
"Sayang dun pa naman ako papunta." Nanlaki mata ko sa sinabi nya.
"SAAN?!?"
"Sa bahay nyo." Ngumiti siya. Mukhang pinag ttripan nya nanaman ako ah.
"Maniwala." Naglakad na ulit ako.
"Pwede ba? Stop being grumpy. Baka mahulog ako sayo eh." Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi nya.
"Nasiraan ka na ba ng ulo?" Tanong ko sakanya.
"I told you, you're cute when you're grumpy."
Pinag trtripan nanaman ako eh. Tss. Makaalis na nga.
Dumaan ako sa masikip na street, shortcut siya. Para di na siya makasunod saakin.
Success naman kasi di na nga siya nakasunod, pagdating ko sa may gate namin, nag pasundo ako kay Driver Noel.
Nasundo naman ako agad. Pag uwi ko sa bahay, nagpalit na ako agad sa kwarto. Minessage ko na muna sina kuya na nakauwi na ako.
Nagugutom na ako kaya bababa na muna ako sa dining. Gusto ko mag merienda.
Pag dating ko sa Dining nanlaki mata ko.
"KENZO?!?"
Napasigaw ako. Kausap niya si Daddy and Mommy. So totoo talagang dito siay pupunta?!?
"Oh Blythe, ang aga mo naman." Sabi saakin ni Daddy. Lumapit ako kay mommy and daddy para ikiss sila pero nag tatakang nakatingin ako kay Kenzo. Blanko lang expression ng mukha nya.
"Do you know him Blythe?" Tanong saakin ni Mommy.
"Umm.. yes." Sagot ko. Nagtataka parin ako, ano ginagawa nya dito?
"Ano ginagawa nya dito?" Tanong ko kay mommy.
"We're just fixing something, business partners natin ang mga Mendoza. And may pinapaabot daddy nya saamin, that's why he's here." Pag eexplain ni Daddy.
"Sorry ha, curious lang talaga tong anak namin. Soon she'll be replacing me in the company." Natatawang sabi ni Mommy.
"Blythe has beautiful eyes just like you, Mrs. Sanford." Sus Bolero. Luma na yan.
Natawa naman si mommy and daddy.
"Kaya nga nahulog ako sakanya eh." Kadiri naman si Daddy. Ang haharot oh.
"Well, back to business." Sabi ni Mommy.
Kumuha na ako ng pagkain at dumiretso ako sa kwarto ko. So business partners pala mga pamilya namin? Tss bakit siya pa sa lahat lahat ng tao ang---ugh nevermind.
~.~
Nasa school na ako ulit, lahat nag uusap usap about sa upcoming na basketball game nina Kent. Kaya pala sila nag ttraining. Wala si Kent tyaka Kenzo. Buti naman at wala yung Kenzo na yun. Kasama ko lang ngayon si Kendall.
"Uy Blythe, sorry talaga sa dare namin sayo ah." Sabi ni Kendall. Kanina pa siya nag ssorry.
"Ano ka ba! Okay nga lang. Wala naman kayo kasalanan eh." Ngumiti ako sakanya.

YOU ARE READING
The Only Girl
Teen FictionWitness the feeling of living in a world with a lot of boys surrounding you. Being the only girl is not easy, but it sure is the worst and best thing that will happen to you.