"HUMANDA KA SAKIN!!!" Sigaw ko dun sa lalaki."HAHA! KUNG MAHABOL MO KO!"
Nagsigilid naman yung mga tao at nakikita nilang hinahabol ko yung lalaki.
Dumaan siya sa masisikip na eskinita. Di ko naman inalis mga mata ko sakanya, akala nya maliligaw niya ako?
Tumakbo ako ng sobrang bilis at sobrang lapit ko na sakanya, akala ko didirediretso lang siya pero bigla siya lumiko.
Shit!
Napahinto ako saglit tapos lumiko din ako. Bakit ang bilis niya?
Parang memorize na memorize niya bawat sulok dito sa eskenita na toh.
Pumasok siya sa isang bahay at umakyat pataas, sumunod naman ako sakanya.
"Sorry po!" Sigaw ko nalang sa mga tao.
Umakyat siya sa rooftop. Mukhang dead end na ah.
"Just give up b*tch." Sabi ko sakanya.
"Gib ap? In yours fis!" Nagulat ako sa sunod nyang ginawa.
Tumalon siya papunta sa kabilang bubong.
Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero tumalon rin ako, akala ko mahuhulog ako pero nakakapit ako sa bubong, tumalon ako agad pataas. Magkatapat na kami ngayon.
Gulat na gulat siya sa ginawa ko. Kaya tumakbo ulit siya pababa, hinabol ko naman siya.
Pagdating namin sa baba tumakbo ulit siya at palabas na ng eskinita, nakikita ko na yung kalsada.
Sobrang lapit ko na sakanya, maaabutan ko na sana siya pero may kotseng humarang sakanya kaya nabanga siya at napahiga.
Pumatong ako sakanya at sinuntok ko sya. Isa lang naman eh, pinagod niya ako eh.
"Okay ka lang?" Tanong saakin nung driver nung sasakyan.
Teka, sasakyan ko toh ah.
Si KENT?!?
"HOY ANO GINAGAWA MO SA SASAKYAN KO?!?" sigaw ko sakanya.
"Mag thank you ka nalang kaya?"
"Asaan sina Lucas?" Tanong ko.
"Tumawag ng mga pulis."
Speaking of pulis, kakarating lang ng mga pulis. Hinuli naman nila yung lalaki.
"Thank you po chief." Sabi ko dun sa lalaki.
"Walang anuman Ms. Sanford, naging matalik ko din naman na kaibigan ang iyong ama. At isa pa, it's our job to protect." Ngumiti siya saakin at umalis na sila.
Nakasandal naman si Kent sa kotse. Lumapit ako sakanya.
"Nasaktan ka ba?" Tanong nya.
"Hindi. Tara na." Papasok na sana ako sa loob ng kotse pero hinarangan nya ako.
"Sure ka? Wala ka man lang sugat?" Bakit ang kulit niya?
"Wala nga." Bubuksan ko na sana yung pinto pero bigla nya hinila yung paa ko kaya mahuhulog na sana ako pero nasalo niya ako. Sobrang lapit ng mukha namin ngayon sa isa't isa. Waaaa!
Ano ginagawa nya?!
"Sure ka?"
Hinawakan nya kamay ko at pinakita sakin na may hiwa yung arms ko. Di ko napansin yun. Napansin pa nya yun?
Magkatinginan kami ngayon sa mata, ngayon ko pa lang siya nakita ng ganitong kalapit. Bakit may kakaiba akong nararamdaman nung nakita ko mata niya?
YOU ARE READING
The Only Girl
Fiksi RemajaWitness the feeling of living in a world with a lot of boys surrounding you. Being the only girl is not easy, but it sure is the worst and best thing that will happen to you.