CHAPTER 17: Training

141 6 0
                                        

Nakarating na kami sa school at nagpark na ako malapit sa gym. Nakaabang si Ethan sa labas.

Bumaba na kami ni Lucas.

"Nice ride, Blythe." Ngumiti si Ethan saakin.

"Thanks." Pumagitna samin si Lucas.

"Ako nagturo sakanya." Pagmamayabang nya.

"Teka, bakit ka nandito ha? Diba mamaya pa naman tayo mag mmall? Sa mall lang kita inaya diba?" Sabi ni Ethan kay Lucas. Kaya nga diba, bakit yan nandito?

"Lul! Kailangan ng bantay nito." Umakbay sakin si Lucas.

"Whatever." Tumaray lang si Ethan.

"Pumasok na nga kayo dito, kanina pa inaantay eh."

Napatingin ako sa nagsalita, si mute pala. Ano problema niya? Ang suplado talaga.

"Tara na, nagagalit na yung dragon." Bulong ni Ethan pero narinig yun ni Kent.

"I heard you Ethan. Shut up." Pagkasabi nyan ni Kent, pinipigilan nila Lucas tawa nila, mga loko.

Pumasok na kami sa loob..

WAAAA! AMDAMING BATA!!

Naghahabulan sila kung saan saan, tapos yung iba naman umiiyak, yung iba naglalaro.

Ano toh playground??

"Takte! Akala ko ba mag ttrain tayo? Bakit parang mag y-yaya tayo?" Sabi ni Ethan.

Maya maya dumating si Coach Ted at lumapit siya saamin.

"Oh Blythe you're here." Ngumiti sakin si Coach.

"Coach, lahat po toh ittrain?" Tanong ko.

"Aba oo naman. Wag ka mag alala madali lang pagsabihan yang mga yan." Kumindat saakin si Coach at umalis na.

"Goodluck!" Ngumiti si Lucas saaming dalawa ni Ethan tapos tinulak kami. Baliw. Umupo na siya sa bleachers.

Paano namin ma ssettle down tong mga toh?

Nakita ko si Kent na nasa may stage at may hawak na mike. Ano gagawin niya?

"Goodmorning Kids."

Pagkasabi niya nun nagsitahimik lahat tapos tumingin sila kay Kent. Ha???

"Do you want to play basketball?" Tanong ni Kent.

"YES!" sigaw nung mga bata.

"Okay. If you want to play, form two lines, one for the boys and one for the girls. And if you don't want to, then go home." Grabe to sa mga bata papauwiin agad?

Nagulat ako kasi nag form nga ng line yung mga bata. Wow.

"Very good." Ngumiti si Kent.

Maya maya dumating na si Ivanne.

"Oh Blythe, bakit ka andito? Di ba dapat nasa stage ka din?" Tanong niya saakin.

Oo nga noh.

"Sige Blythe, punta na ako dun. Sunod ka nalang." Sabi sakin ni Ethan at pumunta na siya sa stage.

"Tara?" Aya saakin ni Ivanne.

Umakyat na si Ethan sa stage at may hawak siyang mike.

"Hi guys! I'm Coach Ethan! At your service!" Sabi ni Ethan.

"HI COACH ETHAN!!" sigaw nung mga bata.

"I'm Coach Kent, but you can call me kuya Kent." Ngumiti naman si Kent, wow kuya?

The Only GirlWhere stories live. Discover now