CHAPTER 20: Clique

111 5 0
                                    

SI KENT?! BAKIT SIYA ANDITO?!

"Hi Blythe!" Bati saakin ni Zandro.

Ito namang kasama nya di man lang nag greet.

"Bakit kasama si Kent?" Tanong ko.

"Gusto nya sumama eh." Sabi naman ni Zandro.

Dire diretso lang pumasok si Kent sa bahay. Wow ah? Bahay nya?

Lumapit saakin si Zandro.

"Start na tayo?" Ngumiti siya saakin.

"Gusto mo sa labas? Or dito nalang sa sala?" Tanong ko sakanya.

"Sa labas nalang." Sagot ni Kent. Siya ba kinakausap ko?

"Sige sa labas." Pumayag naman si Zandro.

Pumunta na kami sa labas, dun sa may pool area, kasi may mga upuan dun. Si Kent pa nangunguna sa paglalakad, akala mo bahay nya eh noh.

Pagdating dun, linapag ko na yung mga materials na gagamitin namin.

Si Kent naman umupo lang sa may beach chair tapos nag phone. At home na at home?

"Pagpasensyahan mo na si Kent. May topak yan eh." Natatawang sabi ni Zandro.

"Sige na start na tayo." Sabi ko nalang.

Nagstart na ako mag turo. Binigyan ko siya ng handbook na pinapabigay ni Sir Caius.

Habang nag tuturo ako, nakikinig naman siya ng maayos, parang desidido talaga siyang pumasa kaya hindi siguro siya mahirap turuan.

Nagegets naman nya ng maayos. Matalino naman siya eh, di lang siguro siya masipag mag aral.

Natapos naman kami agad.

"Di pa ba kayo tapos? Nagugutom na ako." Lumapit saamin si Kent. Wow ah.

"Tapos na po sir. Nakakahiya naman po sainyo eh." Natawa si Zandro sa sinabi ko.

"Ano tinatawa tawa mo dyan Zandro ha?" Minemens ba tong lalaking toh?

Naalala ko yung ginawa nya para saakin nung dun sa magnanakaw. Aish! Hayaan ko na nga lang. Wala din naman ako sinabi sakanya na tulungan nya ako eh.

Dumating na yung meryenda. Wow brownies! Ang lalaki ng ginawa nila. Tapos may juice pa.

Andami naman nakain ni Kent. Tig isa  lang kami ni Zandro tapos siya nakatatlo.

Nung natapos na kami kumain, nagpaalam na si Zandro na uuwi na siya. Loko naman si Lucas di man lang sinipot mga kaibigan nya bago umalis.

Nasa kwarto na ako ngayon, nagpapahinga. Nag assignment na muna ako saglit tapos nag aral. May quiz kasi kami bukas sa Calculus.

~.~

"Okay class, kung sino man ang makaperfect ng quiz na ito, ay exempted sa boardwork recetation on thursday. So goodluck!" Sabi ni sir saamin.

Kaya ko toh, nag review ako kagabi eh.

10 minutes palang nakalipas natapos na agad si Kent. Chinamba ba nya? Kalahati pa nga lang nasasagutan ko eh.

After nya itake yung quiz lumabas na siya ng classroom. Pag natapos na daw yung quiz pwede na mag lunch eh.

After 30 minutes, natapos ko na yung quiz. Madali lang naman siya eh, mahaba lang talaga yung solutions. Paano kaya siya natapos agad? Matalino ba siya o chinamba nya lang lahat?

Sabay kami natapos ni Kendall. Sabay dapat kami mag llunch kaso may dadaanan pa daw siya kaya di siya makakasabay saakin. Pumunta nalang ako sa tambayan tapos minessage ko si Lucas na nauna na ako.

The Only GirlWhere stories live. Discover now