CHAPTER 43: First Time

79 2 0
                                        

BLYTHE'S POINT OF VIEW.

Ang ganda na ng tulog ko pero nagising ako nung may nagbukas ng kurtina at hinila kumot ko.

"HOY GISING!" Sigaw ng pinakamagaling kong kakambal. Badtrip talaga oh.

"Lucas wag kang KJ! Ang aga aga pa!" Sigaw ko at nagtakip ako ng unan. Ano problema nya? Wala nanaman ba siya magawa? Tss.

Inagaw nya naman sakin yung unan. 

"Oo nga ang aga aga pa pero nasa baba na manliligaw mo."

Bigla akong napatigil saglit. Maya maya napatayo ako sa kama ko.

"ANO?!?"

Nag echo sa isip ko sinabi ni Lucas.

"Oo nga ang aga aga pa pero nasa baba na manliligaw mo."

"Oh bat gulat ka?"

"May manliligaw ako?! Sino!?"

Nababaliw na ata si Lucas eh! Since when ako nagkaroon ng manliligaw? At sino naman?

"Hoy gising! Diba manliligaw mo si Kenzo?"

Nanlaki mata ko. Dun ko lang narealize.

"Ay hala oo nga pala. Pero teka? Bakit nasa baba siya? Seryosong nasa baba siya?" Sobrang walang alam ako ngayon, di ko alam nangyayari. Bakit naman siya nasa baba? Ano ginagawa nya? Waaaa!

"Oo nga." Sagot ni Lucas. Lalabas na sana ako pero hinarangan niya ako. Whut??

"Lalabas kang ganyan?" Oo nga noh, mukha akong bruha.

Tinignan ko lang si Lucas  masama.

Nagmamadali akong nagayos ng buhok at nagtoothbrush tapos bumaba na ako.

Anong kabaliwan nasa isip ni Kenzo at pumunta siya dito ng ganitong kaaga?

Tss, nakapajamas pa tuloy ako.

And then it hit me.

Oh no.

Sina mommy, daddy at kuya.

WAAAAA!!

Nagmamadali akong bumaba ng stairs, nakita ko naman agad si Kenzo na nasa sala nakatayo at kaharap si Kuya Nathan, kuya Gabe, kuya Kale, si mommy at si daddy. Ohmaygaaaaaash!!!!!

Nagmamadali akong bumaba. Nakita naman nila ako agad.

"Hi mommy! Daddy, kuya Nathan, kuya Gabe, kuya Kale!" Madali kong sabi at lumapit ako sakanila. Tumabi ako kay Kenzo. Seryoso itsura nila lahat.

"Si--" naputol yung pagpakilala ko kay Kenzo kasi biglang nagsalita si kuya Gabe.

"Kenzo. Boyfriend mo. He told us."

Nagulat naman ako sa sinabi ni kuya Gabe. Huh?!

"Di ko pa siya sinasagot!" Sabi ko naman. Sabay sabay silang nakahinga ng maluwag.

"Di pa naman pala sinasagot eh." Sabi ni kuya Kale.

"Manliligaw lang po ako ni Blythe." Sabi naman ni Kenzo.

"Manliligaw lang pala eh." Sabi naman ni kuya Gabe.

"Sino ba kasi nagsabing boyfriend?" Tanong ko. Sabay sabay naman silang tumingin sa may likod ko. Lumingon naman ako. Nakasandal si Lucas sa may stairs. Tinignan ko lang siya ng masama. Ngumiti lang siya at tumaas na ng hagdan. Humanda siya saakin.

"Mr. and Mrs. Sanford, will you allow me to go out with your daughter?"

Nagulat naman ako sa sinabi ni Kenzo. Bakit kailangan masyadong straightforward?!

The Only GirlWhere stories live. Discover now