CHAPTER 18: Weekend out

121 7 0
                                        

Nakakakita ba ako ng multo? Sya ba talaga yan?

"Okay ka lang Blythe?! Bakit mo napreno?" Tanong saakin ni Lucas.

"Si Kent ba yan?!? Kasama siya?!?" Tanong ko sakanila.

"Hoy may balak ka bang patayin kami? Oo ako toh! mukha ba akong multo??" Nakakirita siya ah. Bakit ba sya kasama?

"Yinaya ko sya Blythe. Tara na gutom na ako." Nakakainis naman tong si Lucas.

Hays! Kasama si mute ang corny.

Hinayaan ko nalang at nag drive na ako papunta sa mall.

Di ko pa memorize yung daan kaya tinuturuan ako nina Lucas kung saan pupunta.

Pagdating sa mall nag park na ako at bumaba na kami. Nagkatinginan kami ni Kent. Nakakabadtrip makita sya di ko alam kung bakit.

Nagikot ikot muna kami para maghanap ng restaurant na kakainan. Hanggang dito ba naman sa mall pingkakaguluhan yung tatlo ng mga babae? Yung iba nag papa picture pa. Celebrity lang?

"Kent Trenton! Can we watch a movie together?" May isang babae na lumapit kay Kent, kasama nya mga kaibigan nya.

"Get lost."

Grabe naman tong si mute. Pasalamat nga sya may mga nag aaya sakanya eh. Abno.

Actually mas abno nga yung babae eh.

"Omg! He's so coldhearted. It turns me on!"

Rineject na nga natuwa pa. Di ko maimagine yung sarili ko na magiging ganun.

Nakahanap na kami ng kakainan. Nag S and R lang kami. Merienda lang naman eh, tyaka request din ni Lucas.

Pero kasi di ko naman trip mag pizza ngayon eh. Parang gusto ko mag street foods.

"Anong order mo Blythe?" Tanong saakin ni Ethan.

"Water lang."

"Sure ka? Ano kakainin mo?" Tanong nya saakin.

"Mamaya nalang."

"Sige. Hanap na kayo upuan." Si Lucas tyaka si Ethan ang nag order kaya kami ni Kent nag hanap ng upuan.

Kaso kung minamalas nga ba naman, puno lahat ng seats. Malas talaga tong Kent na toh eh.

Saan na kami uupo?

May linapitan si Kent na mga babae, kilala nya ba yung mga yun?

Maya maya umalis na yung mga babae dun sa table nila at umupo na si Kent.

Lumapit ako sakanya.

"Ano ginawa mo?" Tanong ko sakanya.

"Kumuha ng table. Di ba obvious?" Pilosopo tss.

"Alam ko. Pero bakit umalis yung mga babae?" Tanong ko ulit sakanya.

"Binigay nila sakin yung table nila. Ang cute ko kasi." Yuck. Ano daw?

"Ikaw cute? No way."

"Kung umupo ka nalang kaya? Di yung nang aaway ka pa dyan."

Umupo nalang ako. Maya maya dumating na si Lucas at Ethan dala dala yung pagkain. Umupo na din sila at kumain.

"Sure kang ayaw mo kumain Blythe? Ano gusto mo kainin?" Tanong sakin ni Lucas.

"Gusto ko ng street foods."

"Yuck! You eat street foods?" Ang arte nitong si Kent oh.

"Masarap kaya!" Sabi ko naman.

"No it's not." Mukhang di pa nga nya na ttry eh.

The Only GirlWhere stories live. Discover now