LUCAS POINT OF VIEW.
Nagsipuntahan na mga pinsan namin sa labas. Si Blythe naman parang di mapakali. Natatawa tuloy ako. Sumunod kami sakanila.
"A-anong gagawin nila Lucas?" Kabang tanong nya.
"Ano sa tingin mo?" Asar ko. Tinignan nya lang ako ng masama.
"Aish! Stupid boy. Sabi ko wag na siya pupunta eh!" Natawa naman ako sa sinabi nya.
"Bakit? Ikaw ba nag invite sakanya? Si kuya Nathan nag invite sakanya diba?" Tinignan nya ulit ako ng masama.
"Ako liniligawan nya."
"Di ka nga sinunod eh, mahina." Lumayo ako sakanya ng konti bago ko sinabi yun kasi alam kong susuntukin nya ako pero nagulat ako kasi sinipa nya ako.
"Aray!"
"Para yun sa tulong mo. Thanks for the help." Sarcastic nyang sabi pero natatawa parin ako sa itsura nya.
Nakarating na kami sa labas at kakarating palang din nina kuya at mga pinsan namin. Lumabas silang lahat. Kita namin si Brent na pinapaalis si Kenzo. Lakas ng dating ni Kenzo ah.
"Shoo! Shoo Shoo!" Sabi ni Brent kay Kenzo. Napataas lang kilay ni Kenzo.
Pumagitna na si kuya Nathan.
"Hey Brent. What do we have here?" Kalmadong tanong ni kuya Nathan.
Napalingon si Brent saamin. Lahat ng magpipinsan ang tulis ng tingin kay Brent.
"Ah! Sir! May outsider po kasi eh, nagpupumilit pumasok!" Sabi ni Brent. Tinignan ko si Blythe at mukhang kabado siya ngayon.
Lumapit si kuya Chris.
"Brent. Didn't we warn you about knowing your place?" Matalim na tanong ni kuya Chris. Natahimik naman si Brent.
"Nathan Invited him. Di ka talaga nag iisip ano?" Sabi din nung isa naming pinsan. Natawa nalang ako dahil pinagkakaisahan nila si Brent.
Pero dahil siya nga si Brent, imbis na mag apologize siya ay umayos pa siya ng tayo at taas noo na hinarap mga pinsan namin. Wow strong.
"I was mistaken but I'm just doing my job. I wasn't informed na pwede pala ang mga OUTSIDERS." diniin pa talaga nya yung salita na outsiders.
"May araw ka din saamin Brent." Matapang na sagot ni kuya Ricci.
"Tse!" Umalis na si Brent. Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Blythe. Di nya kasi kilala si Brent.
Inakbayan ni kuya Nathan si Kenzo.
"Let's go inside, and settle what needs to be settled."
Isa isa na silang pumasok sa loob. Dumiretso siguro sila sa Arcade Room.
"The party just started." Sabi ni kuya Kale at sumunod na sa loob. Lumapit muna si Kenzo kay Blythe bago sumunod sa loob.
"Hoy! Di mo ba nabasa message ko ha?" Inis na sabi ng kambal ko.
"Don't worry about me. Besides, you're not the one who invited me." Nakangising sabi ni Kenzo, nang aasar. Umalis na si Kenzo at pumasok sa loob, tinatawag ni kuya Nathan. Naiwan kami ni Blythe dito sa labas. Di mapinita mukha nya. Natatawa tuloy ako.
"Crazy Guy! Bat pa siya pumunta?" Frustrated na sabi ni Blythe. Humarap ako sakanya.
"Bakit parang di ka mapakali? Wala naman silang gagawin eh." Sabi ko naman.
"As if naman di ko alam gagawin nyo. Boys will always be boys."
Magsasalita pa sana siya pero biglang lumabas si Grandma.

YOU ARE READING
The Only Girl
Teen FictionWitness the feeling of living in a world with a lot of boys surrounding you. Being the only girl is not easy, but it sure is the worst and best thing that will happen to you.