CHAPTER 24: Annoyed

102 7 0
                                    

ETHAN'S POINT OF VIEW.

"Lucas tawagan mo nga si Blythe." Utos ni Kent.

Andito kami ngayon sa canteen, tumatambay.

Kanina pa tawag ng tawag si Lucas kay Blythe.

"Aish bat di siya sumasagot?!" Ang ingay ni Lucas.

"Ano ba trip nyo? Malay mo busy yung tao." Sabi ko sakanila.

"Ewan ko ba dito kay Kent." Reklamo ni Lucas.

Naglaro nalang ako sa phone ko. Maya maya sinagot na ni Blythe yung tawag ni Lucas.

[What?] Tanong ni Blythe.

"Asan ka? Punta ka dito sa Canteen na malapit sa football field." Sabi naman  ni Lucas.

[Nasa rooftop ako.] Ano ginagawa nya sa rooftop?

"Bumaba ka na dito." Inend na ni Lucas yung call. Bumalik na ako sa paglalaro.

"Hoy Ethan!" Ano ba problema ni Lucas?

"Oh?" Tanong ko.

"Puntahan mo nga si Blythe!"

Ampucha nananahimik ako dito tapos ako pa yung inutusan.

"Naglalaro ako!" Sabi ko naman.

"Mamaya na yan!" Sabi ni Lucas.

Di ko lang siya pinansin.

"Hoy!" Amp ang kulit! Inagaw ni Kent yung phone ko.

"G*GO! AKIN NA NGA YAN KENT!!" inaagaw ko sakanya yung phone pero ang likot nya kaya di ko makuha. Aish!

"Puntahan mo muna si Blythe! Diba bestfriend mo siya?" Sabi ni Kent. Tss sige na nga! Pasalamat sila bestfriend ko si Blythe.

Sumakay ako sa elevator papunta sa rooftop. Naalala ko tuloy nung nakipagkaibigan ako kay Blythe. Sobrang saya ko nung pumayag siya. Dati ko pa kasi siya gusto maging kaibigan pero natatakot kasi ako sakanya.

Nakarating na ako sa rooftop. Andito nga si Blythe.

"Blythe! Kanina ka pa hinahanap ni Lucas---" naputol sasabihin ko kasi lumapit siya agad saakin.

"Sige bababa lang ako saglit. Bantayan mo muna tong kaibigan kong tulog ha! WAG MO IIWANAN!" Ang bilis ng pag alis nya. Amp! Nautusan nanaman ako. Huhu! Buti nalang bestfriend kita Blythe.

Tinignan ko kung asan kaibigan nya. Mukhang wala namang tao dito sa rooftop ah?

May imaginary friend kaya siya? Haha!

Hinanap ko yung kaibigan nya. Sino kaibigan nya? Ang alam ko kasi wala naman siyang close friend sa school. Kaya nga ang saya ko kasi ako lang kaibigan nya eh. Bestfriend pa! Di ko lang alam kung kaibigan nya din si Kent tyaka Zandro.

Nairita nga ako dun sa bata na naging bff nya eh. Hmp! Akin lang si Blythe.

Sino kaya yung kaibigan nya? Wag na wag nya aagawin sakin si Blythe kundi lagot siya saakin.

Maya maya nanlaki mata ko nung may nakita akong babae na nakahiga sa bench. Siya ba yung kaibigan ni Blythe? Sino toh?

Teka parang familiar siya sakin...

SI KENDALL?!?!

Mapaglaro nga naman ang tadhana oh. Sa lahat lahat ng tao yang babae pa na yan? Pambihira.

Gusto ko sana siya iwanan nalang kaso naalala ko yung bilin sakin ni Blythe eh.

"Sige bababa lang ako saglit. Bantayan mo muna tong kaibigan kong tulog ha! WAG MO IIWANAN!"

The Only GirlWhere stories live. Discover now