LUCAS POINT OF VIEW.
"Nice Lucas."
Puri saakin ni Coach.
"That's it. We're done for the day." Sabi saamin ni Coach.
Nasa DCU kami ngayon nag ttraining sa Archery. Ginagamit kasi yung field sa Sanford kaya di kami makakapagtraining dun. Inaayos ko na ngayon mga gamit ko at linalagay ko siya sa loob ng sasakyan ko. Wala si Zandro ngayon, loko iniwan ako. Tinatamad daw siya.
Pumasok na ako sa loob ng kotse ko. Sumandal ako saglit. Hays, nakakapagod.
Binuksan ko phone ko, napangiti ako ng makita wallpaper ko, picture nya nung bata pa siya.
Sinarado ko phone ko, bakit ko pa ba siya wallpaper? Eh matagal ko ng sinabi sa sarili ko na kakalimutan ko na nararamdaman ko para sakanya.
Oo, naging crush ko si Calei. Nagsimula yun nung lagi ko na siya nakikita after ako mahuli ng magaling kong Kakambal.
Andami ko na din nalaman tungkol kay Calei, ang bait at talino niya. Lagi nya kasama mga kaibigan nya kaya di ko siya makausap, pero wala din naman akong balak eh.
Naging sure ako sa feelings ko sakanya nung nakita ko siyang may kausap na lalaki, nagselos ako. At nung nakita ko siyang umiiyak ng di ko alam kung bakit, nasasaktan ako. Iccomfort ko sana siya pero kasama nya mga kaibigan nya eh.
Pero matagal na din naman yun, kinakalimutan ko na ngayon feelings ko para sakanya, it's just nonsense. Wala namang mangyayari eh. Kaya mas mabuti nalang na kalimutan ko na siya habang di pa sobrang seryoso nararamdaman ko para sakanya.
Binuksan ko phone ko para palitan wallpaper ko pero biglang nag ring kaya di ko natuloy.
Ethan Calling...
Panira toh si Ethan eh, nag dday dream pa ako eh.
Sinagot ko nalang yung tawag.
"Oh?" Tanong ko.
[Nasa labas ka pa ba pre?]
"Oo bakit?"
[Bili ka nga nung bagong release na ps4. Limited lang kasi yun. Eh may training kasi kami ngayon, bukas na laro namin. Bayaran nalang kita. Pleaaaase?] Loko inutusan pa ako.
"Sige basta libre mo ko ice cream sa DQ."
[Ano ba yan! Magkano lang yun magpapalibre ka pa? Eh kaya mo nga bilhin buong DQ eh.]
"Wala ako pake. Kuripot mo! Kaya mo din naman bilhin buong DQ ah."
[Fine! Basta dapat makabili ka nung ps4. Tenkyu!]
Inend call nya na. Loko binabaan ako.
Nag drive nalang ako papunta sa mall, wala naman na akong ibang pupuntahan eh.
Pagdating ko sa mall, nakatingin sakin mga babae.
Pati ba naman dito tinitilian ako ng mga babae? Alam kong cute ako pero uso mag pahinga girls.
Buti sana kung kasing ganda at kabait nila si Calei--aish! Why am I still thinking about her? Erase. Erase. Erase.
Pumunta na ako sa game store something kung saan nagbebenta nung ps4 na sinasabi ni Ethan.
Lumapit ako sa cashier.
"Umm, miss? Available pa po ba yung game na toh?" Pinakita ko dun sa babae yung pic na sinend saakin ni Ethan.
"Opo sir, dun po sa dulo. Last na po yun." Tinuro nya saakin kung nasaan.
Pumunta na ako dun sa tinuro niya at kinuha ko na siya. Pero nagulat ako kasi may humawak din, so pareho kaming may hawak sa ps4.
YOU ARE READING
The Only Girl
Fiksyen RemajaWitness the feeling of living in a world with a lot of boys surrounding you. Being the only girl is not easy, but it sure is the worst and best thing that will happen to you.
