SILA ANG KAIBIGAN NI LUCAS?!?!
KAIBIGAN NI LUCAS SI KENT?!
"Hi ulit!... B-Blythe.." sabi nung lalaki kaninang recess na kumausap saakin.
Dumating na si Lucas.
"Oh, bakit nakatayo pa kayo dyan? Upo na kayo." Sabi ni Lucas.
Doon sila umupo sa harap ko tapos tumabi saakin si Lucas.
"Ah oo nga pala Blythe. These are my friends. " tinuro niya yung tatlo.
"This is Zandro Mendez, Ethan Harper and Kent Trenton." Sabi ni Lucas.
"Kailangan talaga full name?" Sabi ko kay Lucas.
"Syempre haha!" Abnoy talaga.
"Hoy mag Hi naman kayo." Utos ni Lucas.
"Hi Blythe!" Sabi ni Zandro.
"H-hello." Nauutal na sabi ni Ethan.
"Hi." Tipid na sabi ni Kent.
"Oo nga pala Kent, classmate mo nga pala si Blythe diba? Tahimik ba?" Tanong ni Lucas.
"Oo." Sagot naman ni Kent. Wow ha? Ako pa yung tahimik? Eh sya nga yung di nag sasalita eh!
"Himala." Pangaasar ni Lucas.
"Malamang tahimik ako eh wala kasi ako makausap, di kita katabi." Sabi ko sakanya.
"Bakit di mo kausapin bago mong katabi?" Napatingin si Kent bigla. Ah. Di ba alam ni Lucas na katabi ko si Kent?
"Yung katabi ko kasi TAHIMIK. Kaya ang BORING." Sabi ko sabay tingin kay Kent.
Napatingin naman sya saakin, ngumiti lang ako.
"Bakit sino ba katabi mo?" Tanong ni Lucas.
Tinignan ko muna si Kent. Kumakain lang sya.
"Katabi ni Kent si Blythe." Sabi naman ni Ethan.
"Huh? Aba himala din. Tahimik ka brad?" Pangaasar ni Lucas.
"Kaya nga eh! Nagulat din ako." Sabi naman ni Ethan.
Tawa sila dun ng tawa tapos tinarayan lang ni Kent sina Lucas. Suplado talaga.
Habang kumakain kami naguusap usap naman sila about NBA. Alam kaya nila na weak maglaro si Lucas ng basketball? Kung sabihin ko kaya? Hahaha!
After namin kumain, bumalik na kami sa building namin. Habang papabalik kami lahat ng nakakasalubong namin na babae nagtitilian. Sikat din ba mga kaibigan ni Lucas? Ang alam ko si Lucas lang sikat eh. Pati pala mga kaibigan nya?
Nakarating na kami sa building at pumasok na kami sa loob ng classrooms namin. Magkakaklase pala yung tatlo at si Kent lang nahiwalay. Kaya siguro sya tahimik.
Nag bell na at pumasok na yung sunod na teacher.
Nag orientations lang ulit sa mga subjects. Hay salamat at last subject na. Pumasok na yung teacher.
"Good Afternoon class, I am Ms. Varagoza, your English teacher. And today, we will be having an activity. This is a partner activity and your partner will be your seatmate." Kung minamalas ka nga naman oh. Pano namin gagawin yung activity eh di nga nangangausap yung katabi ko. Hays.
"I want you to list down in a sheet of paper your partner's likes and dislikes. And then, use an adjective to describe your partner. Also put a nickname for each other. After, you need to report it in front. The fastest partner to finish, will get 2 recitation stickers each. Ready? I'll give you 20 minutes." Sabi naman ni Ms. Varagoza. Nagsimula na kami.
YOU ARE READING
The Only Girl
Roman pour AdolescentsWitness the feeling of living in a world with a lot of boys surrounding you. Being the only girl is not easy, but it sure is the worst and best thing that will happen to you.