BLYTHE'S POINT OF VIEW.
Nagising ako sa sikat ng araw. Ano oras na ba?
Chineck ko phone ko. 9 palang?
Napatingin ako sa paligid ko. Nakahiga ako ngayon sa kwarto ko. Teka....
DIBA NASA PARTY AKO?!?
Ano nangyari?!? Bakit wala ako maalala? Ang naaalala ko lang ay nagpakalasing ako. Yun lang.
OMG.
Chineck ko suot ko, nakasuot ako ng pang tulog. Sino nag bihis sakin???
Sa sobrang kaba ko napatayo ako agad. Bigla naman sumakit ulo ko. Aish! Ito ba yung sinasabi nilang hangover?
Lumabas ako agad ng kwarto ko at pumasok sa kwarto ni Lucas. Naglalaro siya ng ps4.
"Oh, musta pakiramdam mo?" Tanong saakin ni Lucas.
"May nangyari ba kagabi?" Bakit ako kinakabahan?
"As expected, wala kang maalala." Ngumiti sakin si Lucas. Wala talaga ako maalala.
"Ano nga? May nangyari ba? At sino nagbihis sakin?" Sunod sunod kong tanong.
"Nalasing ka, sumuka ka sa shirt mo kaya pinapalit kita ng damit kay Yaya Dorris."
Bigla ko naalala si mommy. Oh no. Baka magalit sakin si mommy pag malaman nya na nalasing ako.
"Wag ka mag alala. Di alam ni mommy. Pag uwi natin, tulog na sila lahat. Kinausap ko na din si Yaya Dorris na wag sabihin."
Parang akong nabunutan ng tinik. Hay salamat naman.
"Buti naman at walang nangyari na masama kagabi." Nung sinabi ko yun bigla siya tumawa.
"HAHAHAHAHAH! Oo nga buti nga wala."
Tinignan ko siya ng masama. Ano sinasabi nya?
Maya maya binato niya sakin yung cellphone niya.
May video. Teka ako ba toh?
LAH! AKO NGA! AT MUKHANG KAGABI TO SA PARTY!!
WAAAA!!!
Kinakabahan ako pero plinay ko parin.
"Pwede ba layuan mo ko? Inaaway ko nung Georgina na yun eh! Di ko nga alam kung bakit gustong gusto ka nya eh di ka naman gwapo!"
Aish. Sinisigawan ko si Kent dito. Nakakahiya. Buti nalang at parang wala masyadong tao sa paligid. Asan kami?
Pinause ko yung video.
"Asan kami?" Tanong ko.
"Sa may second floor yan nina Ethan. Pasalamat ka wala masyado tao dun." Sabi ni Lucas.
Plinay ko na ulit yung video.
"Layuan mo na ako okay? L-A-Y-U-A-N!"
"Alam mo Blythe lasing ka lang." -Kent.
"Di ako lasing! Galit ako!"-ako
"Kung di ka lasing, spell Apaixonar." -Kent.
Tinarayan ko lang si Kent. Pero napatahimik ako. Tumatawa naman sa paligid si Zandro, nasa likod siya.
"See? You're drunk."-Kent
"Sinabi ng hindi e---"
Sunod kong ginawa, sinukahan ko si Kent.
Dun na natapos yung video. Napa face palm ako. Nakakahiya.
"Nakakahiyaaaaa! Waaaa!!" Sumubsob ako sa bed ni Lucas.
YOU ARE READING
The Only Girl
Fiksi RemajaWitness the feeling of living in a world with a lot of boys surrounding you. Being the only girl is not easy, but it sure is the worst and best thing that will happen to you.
