"Official member ako?" Tanong ko ulit sakanya.
"Oo nga ang kulit." Hinila niya ako palabas.
Hila hila parin niya ako habang naglalakad kami sa hallway kaya nagtitinginan tuloy mga tao samin. Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko kaya di ako makawala.
"Ooh what's this?" Sabi ni Ethan nung nadaanan namin siya.
Ano ba trip ng Kent na toh?
Kahit sa pagsakay namin sa elevator nakahawak siya sa kamay ko.
Paglabas namin ng elevator binagsak ko kamay nya.
"Ano trip mo ha!?!" Sigaw ko sakanya.
"Mabagal ka kasi maglakad eh." Ako pa talaga sinisi niya?
"Ako? Mabagal maglakad??" Tanong ko sakanya.
Bigla siya nauna maglakad.
"Hoy antayin mo ko!" Lumingon siya saakin.
"Gusto mo ba hawakan ko ulit kamay mo?"
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ayoko!" Sigaw ko sakanya.
"Ayoko din naman! Wag ka feeling!" Naglakad na ulit siya kaya sinundan ko nalang siya. Ang bilis nya maglakad kaya binibilisan ko paglalakad ko. Nananadya ba siya?
Nagstop kami sa AVR. Dito yung venue ng organization ng Popular Kids Clique. Ano ba ginagawa sa organization?
Pagpasok namin sa loob nakita ko, konti lang pala kami, siguro mga 15.
Pumunta si Kent sa harap. Hala! iniwan niya ako? Eh wala naman ako kilala dito eh!
Nakita ko si Zandro sa pinakaharap nag wwave sakin at tinatawag ako. Teka ako ba? Tumingin muna ako sa likod ko baka iba kausap niya, pero wala namang tao.
"Blythe!" Nung tinawag nya na ako saka ako lumapit. So ako nga tinatawag nya. Dito din pala siya?
Sinenyasan nya ako na umupo sa tabi niya.
Umupo na ako.
"First time mo mag attend ng organization." Sabi sakin ni Zandro.
"Ahh hehe.. hindi naman kasi talaga ako nag aattend."
"Official member ka na kaya, simula first year." Nagulat ako sa sinabi ni Zandro. Simula first year?
"Ano ba yang official member na yan?" Tanong ko sakanya.
"Yung official member, parang lang siyang officers ganun. Pero ang pinagkaiba, walang position. Kumbaga sa classroom, yung president ang leader tapos yung officers yung official members, tapos yung mga ibang students sila yung mga listed. Unofficial." Pag eexplain niya saakin.
"Ano naman ginagawa ng official members?" Tanong ko ulit.
"Mag memeeting lang ngayon kung anong gagawin sa Clique Day. May mga activities kasi sa Clique Day kaya kailangan iplano kung sino representatives." Sabi saakin ni Zandro.
"Ano nangyayari sa Clique Day?" Tanong ko ulit.
"Andami mong tanong!" Sabi ni Kent. Nakikinig pala siya?
"Halatang di ka pa nakakaattend Blythe. Itry mo, masaya naman siya." Ngumiti saakin si Zandro.
Magaattend kaya ako? Wag nalang siguro.
Sinimulan na ni Kent yung meeting. Di naman ako nakinig sa meeting. Di naman ako mag aattend eh.
Buong araw yung organization, nag rready kasi sila.
YOU ARE READING
The Only Girl
Fiksi RemajaWitness the feeling of living in a world with a lot of boys surrounding you. Being the only girl is not easy, but it sure is the worst and best thing that will happen to you.