WHAT?!
SI ETHAN, LUCAS, ZANDRO AT KENT.
Napatingin din si Kenzo sakanila.
Waaaaaa!
Wala na ko nagawa kasi nakaupo na silang apat sa harap namin!!
"Hi manliligaw ni Blythe." Bati ni Ethan. Aba aba? Naging friendly ata siya bigla?
"Hey." Bati din ni Kenzo.
"Nice football game, pare." Bati ni Zandro kay Kenzo. Nakakatuwa kay Zandro kasi friendly siya sa lahat.
Napatingin ako kay Kent pero naka earphones lang siya at nagbabasa ng text book.
Nagaral nalang kaming lahat. Pero naiilang ako kasi ang awkward! Ang alam ko di sila magkakasundo nina Ethan!
Buti nalang at natapos agad kami ni Kenzo kaya umuwi na siya. Naiwan ako kina Lucas pero di ako maka focus mag aral dahil kay Kent!
Bat di nya na ako kinakausap!?
Hindi ko alam kung bakit pero nagulat ako sa ginawa ko.
"Hoy, mute."
Pagkasabi ko nun, napatingin silang apat sakin.
Tinaasan lang ako ng kilay ni Kent.
"What?"
Napatigil ako sa pagsasalita. Ngayon nalang ulit kami mag usap. Bat ang weird nya!
"Wala!" Sabi ko nalang at umiwas na ko ng tingin.
"Pakipot mo Kent!" Sigaw ni Ethan kaya tinignan siya ng masama ni Kent. Natakot agad si Ethan.
"Joke lang...hehe." sabi agad ni Ethan at bumalik na kami sa pag aaral.
"Sa saturday pala ah! Yung Enchanted! Saktong sakto reward natin sa napakahirap na exams!" Paalala ni Ethan.
"Mag aral ka muna." Sabi ni Zandro.
"KJ mo Zandro! Sasama ka ha!"
"K." Tipid na sagot ni Ethan.
"Ikaw Blythe? Sama ka ha!"
Ngumiti ako kay Ethan. "Sure." Napangiti din si Ethan na parang bata.
"Si Lucas sure G na yan! Ikaw Kent?" Tinignan ni Ethan si Kent.
Napatingin naman si Kent kay Ethan.
"Tinatamad ako."
Tinatamad? Corny naman nya!
"Ha!? KJ mo!! Pumunta ka na!!" Pagpipilit ni Ethan.
"No. mag ccr lang ako." Sabi agad ni Kent at umalis siya.
Attitude naman non!
Biglang napa frown si Ethan, lungkot na lungkot?
"Corny naman nya!" Sabi ni Ethan at nag headsdown siya na parang bata. Tinignan lang siya ni Zandro at Lucas na para bang naweweirdohan sila sa kaibigan nila.
"Hayaan mo na siya Ethan! Magsaya nalang tayo!" Sabi ko naman. Aba, kung ayaw nya sumama edi wag! Mas okay pa nga yun...ata.
"Sayang di tayo kumpleto!" Sabi naman ni Ethan. Parang siyang bata at birthday nya tapos wala siyang cake.
Napangiti ako at bumalik na sa binabasa ko.
Biglang nagsalita si Zandro.
"Pilitin mo yun, Blythe. Tignan mo sasama yun." Nagtaka naman ako sa sinabi nya.
YOU ARE READING
The Only Girl
Ficção AdolescenteWitness the feeling of living in a world with a lot of boys surrounding you. Being the only girl is not easy, but it sure is the worst and best thing that will happen to you.
