Naglalakad na ako ngayon sa hallway, himala at mukhang di kumalat yung nangyari saakin. Buti naman.
Pagdating sa classroom, tinarayan lang ako nung tatlo. Mga papansin.
Umupo na ako sa likod. Andito na si Kent pero tahimik lang siya, as usual.
Pagkaupo ko, nagsalita siya.
"Okay ka na ba?" Di ko alam kung bakit nya yan tinatanong pero di ko siya pinansin.
Buti nalang at dumating na si sir kaya tumahimik na si Kent.
Lahat ng teachers kinunsulta ko kung may namiss ba akong quiz or activity tyaka tinanong ko na din kung ano mga lessons na namiss ko.
Nung recess, nag special quiz ako sa biology.
Nakinig ako ng mabuti sa lessons after. Nung lunchtime na, nag activity and quiz din ako sa ibang subjects.
Buong araw, wala akong kinausap, kahit si Lucas man lang o si Ethan. Di ko naman kasi sila nakasalubong.
Nung uwian na, pumunta muna ako sa library para humiram ng mga libro. Mag aaral ako mamaya sa bahay.
Andami kong bitbit na libro. Nung palabas na ako, may tumulong saakin at siya ang nagbukas ng pinto.
Tinignan ko kung sino.
Si Kent.
Pagkalabas namin ng library, hinarangan nya ako. Ano trip nya?
"Tulungan na kita."
Linagpasan ko lang siya. Pero hinarangan nya ako ulit. Ang kulit!
"Bakit mo ko iniiwasan?" Tanong nya.
Di ko lang siya pinansin. Hinarangan nya ako ulit. Nakakairita na siya ah?
"Ano ba ginawa ko Blythe?" Tanong nya ulit. Tumakbo ako para lagpasan siya pero hinila nya bag ko kaya nabitawan ko lahat ng libro.
"BAKIT BA ANG KULIT MO HA!?" Sinigawan ko siya.
"Di mo kasi ako kinakausap!" Parang bata eh tss.
"SO WHAT?! PWEDE BA WAG MO NA AKO KAUSAPIN KASI GUSTO KO NA MATAHIMIK BUHAY KO!"
"Di kita maintindihan!" Lumapit ako sakanya.
"PAG NAKITA NI GEORGINA NA NAG UUSAP TAYO SIGURADO AKONG PAG IINITAN NANAMAN AKO NUN KAYA PWEDE BA? LAYUAN MO NA AKO! GUSTO KO NA MATAHIMIK BUHAY KO! NATANGGAL AKO SA TEAM KO NG DAHIL SAYO. PATI PAG VAVALEDICTORIAN KO NAWALA NA KAYA UMALIS KA NA!!!"
Di ko na napigilan inis ko. Natahimik naman siya.
Pinulot ko na yung mga libro at nag elevator na ako pababa. Buti naman at di na nya ako kinulit.
Pagdating sa lobby nandun na si Lucas, tinulungan nya ako magbitbit, pagkatapos, sumakay na kami sa car at sinundo sina kuya.
Pag kauwi namin, after dinner, nag aral lang ako buong gabi sa kwarto ko. Salamat naman at natapos ko siya aralin lahat. Pero may assignment kami kaya gagawin ko nalang siya bukas ng lunch ulit sa library.
Sana naman matauhan na si Kent at di nya na ako kausapin.
~.~
Buong umaga di ko pinapansin si Kent, at wala din akong balak na pansinin siya.
Nung lunchtime na, pumunta akong library para mag aral. Maya maya may tumabi saakin.
Si Cady?
"Hi Blythe. Pwede dito din ako?" Tanong nya saakin.
"Sure." Sagot ko. Di pa pala ako nakakapagpasalamat sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/224620068-288-k766760.jpg)
YOU ARE READING
The Only Girl
Teen FictionWitness the feeling of living in a world with a lot of boys surrounding you. Being the only girl is not easy, but it sure is the worst and best thing that will happen to you.