LUCAS POINT OF VIEW.
[AUTHOR'S NOTE! This happened the week before spirit week. Enjoy!]
~.~
Andito ako ngayon sa classroom, nag lelecture sa Calculus pero di ako nakikinig. Alam ko naman na yan eh. Pero syempre di ako kasing henyo ng kakambal ko, halimaw yun eh.
Nakatingin lang ako kay Calei. Nakikinig siya sa lecture.
After nung gabi na magkasama kami sa ilalim ng puno, hinatid ko siya sa bahay nya.
Nakapagisip isip na ako nun tungkol sa nararamdaman ko para sakanya.
At ipaglalaban ko ang nararamdaman ko para sakanya.
I was planning on asking her out on friday's spirit week party. At inaantay ko nalang na mag lunch break na para kausapin siya.
Naexcite ako nung nag bell na. This is my chance, i'll do my best.
Lumabas na si Calei ng classroom.
"Brad di muna ako sasabay ngayon lunch." Sabi ko kay Ethan.
"Bakit? Anong gagawin mo?" Tanong ni Zandro.
"May kadate yan! Ayieeee!" Parang ewan tong si Ethan.
"Ewan ko sayo. Sige na bye." Sabi ko at umalis na ako. Rinig ko pa yung asar ni Ethan pero hinayaan ko nalang. Masamang pumapatol sa bata.
Sinundan ko na si Calei at papunta siya sa lockeroom. Wala siyang kasama kasi iniwan na siya ng mga kaibigan nya simula nung nangyari yung sa may mall.
Di na muna ako nagpakita sakanya at dumistansya ako ng konti para di nya ako makita, pero nakikita ko parin siya.
Linagay nya na yung mga gamit nya sa locker. Lalapitan ko na sana siya pero biglang nag ring phone nya.
"Hello? Andun ka na?" Di ko alam kung sino kausap niya. Di ko marinig.
"Okay. Antayin mo ko punta na ako dyan." Inend nya na yung call. Umalis na ulit siya.
Sino pupuntahan nya? Don't tell me magkaibigan parin sila nung Trixie na yun.
After nung araw na magkasama kami sa may tambayan namin nina kuya na overlooking view, nag FO na sila nina Trixie. Nakipagkaibigan naman ako sakanya para may kasama siya at pumayag siya. Hindi na ako masyado sumasama kina Ethan kasi kasama ko si Calei palagi. Di din nila alam.
Sinundan ko nalang siya para makita kung sino kikitain nya. Alam kong invasion of privacy toh pero gusto ko lang naman makasiguro na ligtas siya.
Pumunta sa siya loob ng senior high building. Ano gagawin nya dito?
Sinundan ko nalang siya. Pumunta siya sa may grade 11 na hallway. Maya maya nagstop na siya sa isang tagong lugar dito sa building at walang tao. Nagtago lang ako sa gilid.
Maya maya may dumating na lalaki, grade 11 siguro siya. Lumapit siya kay Calei, nagulat ako kasi bigla silang nag hug.
What?
Sino siya?
"Love, I made you lunch." May binigay si Calei na paperbag dun sa lalaki.
Parang nadurog puso ko nung tinawag ni Calei yung lalaki na love.
"Thanks, dinamihan mo na ba? Kahapon kasi ang konti eh." Nagtaka naman ako sa sinabi nung lalaki.
"Yes Love!" Masayang sabi ni Calei.
"Oh sige na kakain na ako, balik ka na sa building nyo." Sabi nung lalaki, magsasalita pa sana si Calei pero umalis na yung lalaki. Tf? Bastos toh kinakausap pa siya eh.
YOU ARE READING
The Only Girl
Genç KurguWitness the feeling of living in a world with a lot of boys surrounding you. Being the only girl is not easy, but it sure is the worst and best thing that will happen to you.
