[Now Playing: Solo by Iyaz]
Buong ride sa roller coaster, mukhang di naman kinabahan si Kent! Ako pa yung di mapakali kasi magka holding hands kami.
Pagkaalis namin sa ride, tinanggal ko agad pagkakahawak sa kamay nya at baka may makakita, nakakahiya noh!
"Lapad ng ngiti ni mokong eh!" Asar ni Ethan kay Kent. Napatingin naman ako kay Kent pero bigla sumeryoso mukha nya. Nang ttrip lang pala si Ethan!
"Saan na tayo next?" Tanong ko nalang.
"Dun tayo sa may Vikings!" Yaya naman ni Ethan at Kendall. Sabay pa sila ha?
"Gaya gaya." Tinarayan ni Ethan si Kendall. Parang mga bata, haha!
Naglakad na kami papunta sa Vikings. Habang tumatagal, dumadami na ang mga tao.
May mga babae pa kaming nakakadaanan na kilig na kilig kina Ethan!
"Lucas Sanford! Pwede mag pa picture?" Amporkchop! Sikat din pala tong si kambal?
"Yeah, sure." Ew! Pa cool masyado ni Lucas! May pa english pa!
Nagpapicture na yung dalawang babae kay Lucas.
Naglakad na ulit kami at rinig na rinig ko bulungan ng mga nakakadaanan namin.
"Omg! Ang cute nung naka dog ears na headband! Sayang, may jowa na!"
"Mas gwapo yung naka fin na hat! Kaso may jowa din!"
Luh! Matatanggap ko pa yung kay Ethan at Kendall dahil, totoo naman yun! Mag Fianceè pa nga.
Pero kami ni Kent? No! Malabo!
Pinaguusapan din nila si Zandro at Lucas dahil parehong walang babaeng kasama. "Single siya!" Bulong pa nung iba.
Ganon ba ginagawa pag umaalis ng bahay? Nag bboy hunting sila?
Well, di ko naman talaga matatanggi, malakas talaga dating nitong apat na mokong.
Nakakatawa dahil kada may lalapit kay Ethan, ay tinitignan ng masama ni Kendall, haha!
Pumila na kami sa may Vikings, nagkkwentuhan sina Ethan, Lucas at Zandro about sa NBA ata or something, tapos si Kendall naman nag sscroll lang sa phone. Kawawa si Kent at kasama ko dito sa may hulihan!
Kinausap usap ko nalang muna si Kendall habang nag aantay kami sa pila.
"Bro, ganda nya oh!" Rinig kong sabi ng isang lalaki sa likod ni Kent, isang barkada sila.
"Alin?" Sabi naman nung isa pang kaibigan nya.
"Yung may Jake na hat!"
Napakunot naman noo ko doon, ako daw?
Lumingon ako sakanila, at saakin nga nakatingin!
Nung napatingin ako sakanila, nag hi saakin yung isa.
"Kunin mo na number!" Sabi nung isang kaibigan nya.
Lalapit na sana yung lalaki saakin pero bigla inangat ni Kent yung legs nya at hinarang sa may railings kaya di siya makadaan.
Napatingin naman yung lalaki kay Kent pero si Kent chill lang na nag pphone.
"Ay, pare, excuse me, dadaan lang ako." Sabi nung lalaki kay Kent.
Nagpphone padin si Kent pero binaba nya paa nya, nagulat naman ako kasi bigla nya ako hinila palapit sakanya at inakbayan ako.
What!?!
![](https://img.wattpad.com/cover/224620068-288-k766760.jpg)
YOU ARE READING
The Only Girl
Teen FictionWitness the feeling of living in a world with a lot of boys surrounding you. Being the only girl is not easy, but it sure is the worst and best thing that will happen to you.