CHAPTER 10: Friends

169 11 0
                                    

"Who's messing with my sister?"

Paglingon ko nagulat ako nung makita ko kung sino nagsalita.

"Kuya Gabe?"

Nung una akala ko si kuya Nathan kasi nag eenglish pero si kuya Gabe pala, kasama niya si kuya Kale.

Lumapit silang dalawa saamin. At parang ang sama ng tingin nila kay Kent. Halaaa!

"A-ah, kuya, Di naman niya ako---" napatigil ako sa pagsasalita nung nakita ko sila mag bro hug.

HUWAT?!?!?!?

"KENT!! MUSTA NA???" nag apir pa sila ni kuya Gabe.

Teka lang ha, CLOSE SILA?!?

"Kuya Gabe! Kuya Kale! Cute parin naman ako. Haha! Kayo kamusta?" Cute?? YUCK.

"Lul! Mas Cute ako sayo noh." Sabi naman ni kuya Gabe.

"Tangkad mo na ah!" Tumabi naman si kuya Kale kay Kent. Nag kkwentuhan sila at tawanan ngayon.

MAGKAKAIBIGAN PALA SILA?

~.~

Pagkauwi namin sa bahay agad agad na sinugod ko si Lucas sa kwarto niya.

"LUCAS!"

Nagulat siya sa sigaw ko. Dire diretso akong tumabi sakanya.

"Paano naging mag kaka close sina kuya Gabe at si Kent????" Tanong ko. Siya naman busy sa phone niya.

"Umm, kasi lagi sila nandito nung mga bata kami? Ikaw lang naman di nakikipaglaro sakanila eh, kaya ayun naging kaclose nila kuya mga kabigan ko." Teka, pati pala sina Ethan?

"Bakit mo natanong?" Tumingin saakin si Lucas.

"Wala wala. Sige na bye." Umalis na ako agad sa kwarto ko.

Nakahiga na ako ngayon, 11 na pero di parin ako makatulog. Hays baka antukin ako bukas eh.

Makakatulog na sana ako pero nagbeep phone ko.

Pag tingin ko sa phone ko notif ulit siya na may nag text saakin pero unknown number.

Ito ata yung nag text saakin dati eh. Antok na antok na ako kaya di ko na lang tinignan.

~.~

Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom kasama si Lucas, nakasalubong ko naman si Ms. Varagoza.

"Ms. Sanford? Aren't you forgetting something?" Tanong saakin ni Ms. Varagoza.

Aish, oo nga pala may detention ako ngayon.

Nasa detention room ako buong umaga. Ugh, ang boring. Wala pa ba akong kaibigan dito sa detention room?

Tinignan ko mga kasama ko, wag na pala. Nakakatakot sila kausapin. Sila talaga yung super bullies ng school eh.  Konti lang naman kilala ko sakanila pero kilalang kilala ko yung isa. Si Zayn Gray.

Narinig ko na kwento ni Lucas na may gang daw yan si Zayn, tyaka nakikipag rambulan talaga sila sa ibang gang sa ibang schools. Pero mas malala pa daw yung leader ng gang nila. Di ko lang alam kung dito ba nag aaral leader nung gang na yun o hindi.

Nung nagtama mata namin parang akong nakuryente. Waaa! Nakakatakot talaga siya parang akong kakainin ng buhay!

Finally, tapos na ang napakatagal na detention hours. Umalis na ako kaagad kasi baka makasabay ko pa si Zayn. Ang awkward nga eh nung nagtama mata namin, buti nalang iniwas ko agad tingin ko. Phew!

Nasa library ako ngayon na lunchbreak, at umiinom lang ako ng smoothie tyaka fruits lang kinain ko. Kailangan ko matapos yung papers na ginulo ni Kent kahapon. Nakakirita talaga.

The Only GirlWhere stories live. Discover now