"She was with me first."
Napatingin kaming lahat kay Kent.
Ang sama ng tingin nila sa isa't isa. Gosh, I can feel the tension!
Are they seriously fighting because of me right now?
Pinagaagawan ba talaga nila ako?
I could still understand Kenzo, but Kent?
Bakit?
"Ah, joke lang yun! Wala talagang buddy buddy...hehe." pumagitna si Lucas sa dalawa na mukhang magsasapakan na anytime.
Kenzo smirked at Kent and looked away.
"I got no problem with that. Let's just enjoy this day." Sabi naman ni Kenzo.
"Okay! Tara na! Kanina ko pa gusto mag horror house!" Yaya naman ni Lucas. Naglakad na siya palabas at nag si sunudan na yung iba.
Nasa may hulihan ulit ako pero ngayon, si Kenzo din kasama ko sa likod! Andito din si Kent!
"Let's go, Blythe." Aya sakin ni Kenzo at hinawakan nya kamay ko pero bigla nalang ako hinila din ni Kent palapit sakanya.
"She's coming with me." Ang sama ng tingin ni Kent kay Kenzo nung sinabi nya yun.
Teka girl! Tug of war ba toh? Ako yung rope?
Magsasalita na sana ako pero bigla pumagitna si Zandro.
"Para walang gulo, saakin nalang sasama si Blythe, okay?" Sabi ni Zandro at napa hinga nalang ng malalim yung dalawa.
"At isa pa, iisa lang pupuntahan natin! Ano pinaglalaban nyo dyan?" Tama ka dyan, Zandro. Ano ba issue ng dalawang yan?
"Tara na, nahuhuli na tayo oh!" Sabi ni Zandro at hinila na nya ako palayo doon. Sumunod nalang maglakad yung dalawa.
"Buti nalang dumating ka! Nararamdaman ko yung tension sa dalawang yun eh!" Sabi ko agad kay Zandro pag ka layo namin.
"LQ tawag dun sakanila. Hayaan mo nalang. Pareho pa namang may anger issues yang dalawa." Nagtaka naman ako sa sinabi nya.
"Pati si Kenzo? Pano mo nalaman?" I asked.
"A long time ago." Sagot nya.
"Paano? Close kayo dati pa?" Tanong ko ulit. Tinignan nya ako saglit tapos bigla siya tumingin ulit sa ibang direksyon.
"Uy, ang layo na nila!" Sabi nya agad at napatingin naman ako kina Ethan.
Shocks! Layo na pala namin!
Tumakbo na kami palapit sakanila, lumingon ako at normal padin na nag lalakad si Kenzo at Kent.
Nung nakalapit na kami kina Ethan, nasa tapat na ng horror house kaya pumila na kami.
"Omg! Grabe naman! Isang kumpol ng mga pogi!" Sabi nung mga babaeng dumaan.
"Pogi is actually my middle name." Sabi agad ni Gabriel.
"Apelyido ko lang yan eh." Singit naman ni Bradley.
"Pareho surname natin, edi pogi din ako!" Sabi naman ni Ethan.
"Surname lang? First name ko nga yan eh." Sabi naman ni Maxon.
Ano papogian nalang sila dyan?
"Talaga? Nagpabinyag ka kahapon?" Tanong ni Zayn.
"Oo, hinatid pa nga ako ni Travis sa simbahan." Sabi agad ni Maxon.
"Oo, si Kenzo pari." Sumali na din si Travis.

YOU ARE READING
The Only Girl
JugendliteraturWitness the feeling of living in a world with a lot of boys surrounding you. Being the only girl is not easy, but it sure is the worst and best thing that will happen to you.