CHAPTER 32: Neighbors

93 6 0
                                    

"Si Kenzo Mendoza."

Parang nanghina puso ko. Si Kenzo? Siya nag pa kidnap saakin?

Ano atraso ko sakanya? Hindi ko maintindihan...

"Wala ka naman na atang tanong noh? Andyan na siya eh, ayaw nya ng maingay." Kumindat pa saakin si Harris na para bang binabalaan nya ako. Ano gagawin nila saakin?

Bumukas yung gate ng warehouse at sobrang liwanag kaya napayuko ako kasi nakakasilaw.

"Harris, where is she?"

Boses yun ni Kenzo, so ako nga talaga kailangan nya. Di ko alam kung bakit nya ginagawa toh.

"Ito po boss." Binatukan ako nung Harris. The hell?

"Ano gagawin natin sakanya?" Rinig kong tanong ni Zayn.

"Cut her arms and legs off."

Nanlaki mata ko sa sinabi ni Kenzo. Naiiyak ako, tama pala sinabi ni Lucas na dapat layuan ko sila kasi masama sila. Di ko na alam gagawin ko.

"Yes boss."

Tinanggal nila ako sa pagkakatali sa upuan at tinayo nila ako. Nakayuko parin ako.

Kenzo bakit mo gagawin sakin toh?

Nahulog yung ID ko at pinulot nya naman yun. Nakita kong tinignan nya ID ko.

"Fuck."

Bigla nya nabitawan ID ko. Huh?

Tinaas nya ulo ko para makita nya ako, bigla nanlaki mata nya nung makita nya ako.

"BLYTHE!?!"

Nagtaka naman ako sa inaasal niya. Napatingin ako kay Zayn at sa mga kasama ni Kenzo kasi lahat sila nagulat nung makita ako. Bakit?

"Hala putangina."

Pagkasabi nun ni Zayn napahawak siya sa buhok niya.

Binitawan ako ni Kenzo.

"Bakit boss? May problema ba?" Tanong nung Harris.

"Anong katangahan toh Harris?"

Hinila ako ni Kenzo papalapit sakanya.

"B-bakit po boss?" Nauutal na tanong ni Harris.

"Tangina mo Harris, minsan ka na nga lang utusan, palpak ka pa."

Nakayuko lang si Kenzo. Di ko alam iinisip niya. Yung itsura ni Harris parang di nya alam nangyayari.

"Zayn." Seryoso nyang sabi.

"Ano?"

"Alam mo na gagawin mo."

Pagkasabi nun ni Kenzo hinila nya ako palabas ng warehouse.

Sinakay nya ako sa loob ng kotse nya at nagdrive siya paalis.

Naguguluhan parin ako sa mga pangyayari.

"Bakit mo ko hinila palabas?" Tanong ko.

Seryoso lang itsura nya.

"Di mo dapat makita yun."

Napatahimik ako. Malala ba gagawin dun sa Harris na yun at di ko pa dapat makita?

Ang dami parin tanong sa isip ko.

"Mamaya ka na mag tanong." Nababasa ba nya iniisip ko?

Tumahimik nalang ako. Saan kami pupunta?

The Only GirlWhere stories live. Discover now