CHAPTER 14: Gotcha!

147 13 0
                                    

Ano ginagawa niya!?!?

Siniko ko siya kaya nabitawan niya ako tapos sinipa ko mukha niya.

Tinumba ko siya tapos susuntukin ko na sana siya pero biglang---

"HOY STUPID! SI KENT TOH!"

SI KENT!?!

Tinignan ko ng mabuti. Oo siya nga. Nababaliw na ba siya? Ano pumasok sa isip niya?

"ANONG KALOKOHAN PINAG GAGAGAWA MO HA?" Sigaw ko sakanya.

"Hindi ba dapat ako nagtatanong sayo niyan? At isa pa, hindi ka ba napapaos sa kaka sigaw mo? Pang ilan na yan ah."

"Ano ba kasi trip mo ha?" Tanong ko sakanya.

"Eh ikaw ano trip mo? Bakit mo stinastalk si Lucas?"

Natameme ako sa sinabi niya.

"Isusumbong kita sa kambal mo---"

"WAG!" hinarangan ko siya. Hindi pwede malaman ni Lucas na sinusundan ko siya! Di pa nga ako tapos sa mission ko eh! Epal kasi tong lalaking toh nakakairita na.

"Nageenjoy ka ba hawakan abs ko? Kasi kung oo willing naman akong tanggalin shirt ko para sayo."

WAAAAAAA! NAKAHAWAK PALA AKO SAKANYA DI KO NAMALAYAN!

Feeling ko namumula ako waaa!

Tinanggal ko agad kamay ko sa abs niya ay este sa tyan nya.

"Ano ba pinagsasabi mo?!?!" Inayos niya shirt nya tapos ngumiti siya.

"At tyaka wala ka kayang abs! Asa ka! Wala nga akong naramdaman eh puro taba!"

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Kinuha nya kamay ko tapos linagay nya sa abs nya.

"MANYAAAAAAAAK!"

Bigla ko siyang natulak tapos sinuntok ko siya sa mukha.

"SABIHIN MO NGA SAKIN, LALAKI KA NOH?!?" nakahawak parin siya sa panga niya.

"Ang arte arte mo! Kung ibang babae nakahawak sa abs ko hinimatay na sila. Tapos ikaw? Tinawag mo na nga akong manyak, sinuntok mo pa ako! At isa pa, di ako manyak noh! Pinapakita ko lang sayo na meron naman talaga tyaka wala akong taba!" Luh andami na sinabi?

"Whatever wala parin naman akong na feel!" Sigaw ko sakanya.

"Sige ipapakita ko nalang.."

Nag act siyang tatanggalin niya polo niya.

"W-WAG! D-DI AKO INTERESADO!!" Iniwas ko mukha ko. Hinawakan ko pisngi ko.

Sheeemaaay! Ang init ng pisngi ko!!! namumula nga ako!!! Huhu!

"Di interesado pero namumula?"

Nabbwiset na talaga ako sa lalaking toh ah.

Tinignan ko lang siya ng masama pero ngumisi lang siya.

Gusto ko suntukin bibig niya para mabungi siya. Tss.

Makaalis na nga..

Naglakad na ako palayo.

"Huy tomboy! Antayin mo ko!"

Bahala siya dyan. Bakit ko siya aantayin?

"HUY!" tumakbo siya papalapit saakin.

Noooo!

Tumakbo ako ng sobrang bilis para di niya ako maabutan.

Paglingon ko hinahabol niya ako. Shete! BAKIT ANG KULIT NIYA?!?

The Only GirlWhere stories live. Discover now