CHAPTER 35: Study Buddies

109 5 1
                                        


"Ayos ka lang ba?"

Si kuya Gabe, kasama niya si kuya Nathan.

"Opo.." sagot ko.

Tumakbo papalapit saamin si Travis.

"Sorry Blythe di ko sinasadya--"

"Get out of my sight asshole." Nagulat ako sa sinabi ni kuya Gabe. Kinuha ni kuya Nathan yung bola kay kuya Gabe at sinipa niya yun palayo.

"Easy with the ball kiddo."

Tumakbo na palayo si Travis. Lumapit ako kina kuya Nathan.

"Kuya andito po pala kayo."

"Yea, we were just walking around." Sabi naman ni kuya Nathan.

"The next time that rat hits you with the ball I'll cut his fingers off." Seryosong sabi ni kuya Gabe.

"Will you really go that far?" Tanong ni kuya Nathan.

"I was kidding, good boy."

"Well then keep your jokes R-16, cut out the violence." Nose bleed naman ako dito sa mga kuya ko.

"Hatid ka na namin sa classroom mo." Sabi ni kuya Gabe.

"Sige po." Sabi ko nalang. Kinuha ko gamit ko at di na ako nag paalam kay Kenzo, sumama nalang ako kina kuya.

Pagdating sa building namin, andaming mga juniors na nag titilian sa dalawa kong kuya.

Nag elevator kami pataas, sure naman akong ayaw nila mag stairs.

Pagdating sa hallway namin, madami din na babae nagtitinginan kay kuya Gabe at kuya Nathan.

Pagdaan namin sa classroom nina Lucas, saktong nakatambay sina Lucas sa may hallway kaya nag kasalubong kami.

"Oh kuya, ano ginagawa nyo dito?" Tanong ni Lucas.

"Nakasalubong namin si Blythe, hinatid lang namin." Sabi ni kuya Gabe.

"Aalis na din kami." Tumalikod na si kuya Nathan at kuya Gabe.

"Bye kuya!" Sigaw ko, nagwave naman si kuya Nathan at sumakay na sila sa elevator.

Inakbayan ako ni Ethan at lumayo kami kina Lucas.

"Bestfriend, nag tatampo na ako sayo."  Sabi saakin ni Ethan.

"Oh? Bakit?" Tanong ko.

"Bihira ka nalang kaya sumama saamin." Napa pout pa siya.

"Babawi nalang ako. Umm, sa saturday diba may training sa basketball? Kasabay naman ng mens team yung womens diba? Cine nalang tayo." Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Oo? Yay!!! Sigeee!" Bigla siyang napatigil sa pag tatalon nung parang may naalala siya.

"Oo nga pala may tanong ako." Sabi na nga ba.

"Ano?"

"What's with you and Mendoza?"

Ineexpect ko naman na tatanungin niya yan since nakita nya kami kanina ni Kenzo.

"Nothing." Sabi ko.

"Weh? Bakit kayo magkasama? Bawal secrets sa mga bestfriends diba?" Hays, sabihin ko ba? Sige na nga.

"Fine. Wag mo sasabihin kahit kanino ah?" Bulong ko sakanya. Nag pinky promise siya sakin.

"Promise."

"Kailangan ko tulungan maka pasa si Kenzo, pag pumasa siya, mababalik good moral ko." Bulong ko sakanya.

Nag bell na.

The Only GirlWhere stories live. Discover now