"KENZO?!?!"
SIYA YUNG ITTUTOR KO? SIYA ANG NAKATIRA SA MANSION NA TOH?!
"Wait. You guys know each other?" Tanong ni Ate Kazlie.
"Yes, we do." Sagot ni Kenzo. Ako naman dito gulat pa.
"What a small world nga naman oh. Well that's good atleast you two will get along." Masayang sabi ni Ate Kazlie. Lumapit siya sakin.
"Don't worry Blythe, pag may ginawang kalokohan tong kapatid ko sayo, sumbong mo lang saakin ha? Goodluck!" Ngumiti siya saakin tapos inabot nya muna saakin yung kontrata at lumapit na siya kay Kenzo. Pinitik niya si Kenzo sa ulo.
"ARAY!" reklamo ni Kenzo.
"Be nice. Arasso?" sabi ni ate Kazlie. [Arasso-Alright]
"Psh, fine." Napakamot nalang si Kenzo sa batok niya.
"I'll be going na. May meeting pa ako sa Manila. See you." Umalis na si ate Kazlie.
"Don't even think about forcing me to attend school."
Napalunok nalang ako sa sinabi ni Kenzo.
"Kailangan mo pumasok eh." Sabi ko sakanya.
"No. It's boring." Nag pout pa siya. Parang bata.
"Tutulungan naman kita sa studies mo. Di naman siya sobrang hirap eh."
"Kahit na!" Tumalikod siya saakin. Bata ba kausap ko ngayon?
Naglakad siya palayo, hinabol ko naman siya.
"Hoy! Mag aaral pa tayo!" sabi ko sakanya.
"Pilitin mo muna ako." aish!
Pumunta siya sa kusina at uminom ng tubig sinundan ko lang siya.
"Bakit ba ayaw mo mag aral ah?" tanong ko.
"Didn't I tell you? it's a waste of time and a waste of money." naglakad ulit siya palayo at kung saan saang pasikot sikot sa bahay nya. Ako naman dito sunod lang ng sunod.
"Kailangan mo lang naman maka graduate ng highschool, madali lang naman eh." di nya ako pinansin, lakad lang siya ng lakad, ako naman dito naiiniip na sunod ng sunod sakanya.
"Alam mo, just give up. Di mo ko mapipilit." Tumaas siya sa may stairs at pumasok siya sa loob ng kwarto niya. Sinaraduhan nya ako ng pinto.
Hays, di ako pwede sumuko. Ito nalang ang chance ko eh.
Kumatok ako.
"Kenzo! Di naman mahirap gagawin eh. Diba nga sabi ko tutulungan kita? Lumabas ka na dyan!"
Di siya nagsalita. Kumatok ulit ako.
"Kenz---"
Biglang bumukas yung pinto, at dahil nakasandal ako sa pinto, natumba kaming dalawa. Nakahiga kami sa sahig tapos ako nasa taas nya. Waaa!
"What?" tanong nya.
Natulala ako sa mga mata nya, ang ganda.
"Ah... ano.. sabi ko.. mag aral na tayo.." nauutal kong sabi.
Bigla siyang ngumisi.
"Gusto mo iba nalang gawin natin?"
Nanlaki mata ko sa sinabi nya. Huh?
"Ano sabi mo?!"
"Wala. Ang sabi ko, nag eenjoy ka ba dyan sa pwesto mo? Kasi ako, oo."
Ngumiti siya saakin, dun ko lang na realize na nakapatong pa pala ako sakanya. Waaaa!

YOU ARE READING
The Only Girl
Novela JuvenilWitness the feeling of living in a world with a lot of boys surrounding you. Being the only girl is not easy, but it sure is the worst and best thing that will happen to you.