Chapter 1

369 11 5
                                    

Meinleafe Louisse V. Gueco 

CHAPTER 1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 1

Sweatshirt

Nick Jetter

Kumain ka na ba?

Kain ka na, ayokong nagugutom ka.

Tang pineapple juice naman! Agad akong napangiwi nang mabasa ang chat ni Nick. Ang cringe niya. Kalalaking tao ay ang corny. Kung puwede lang na sumuka ko ay susuka talaga ako!

Hindi ko ine-expect na ganito siya makipagchat. Akala ko pa naman ay cool lang 'to, kaya nga rin namin napag-isipan nina Jai na subukang pagtripan 'to. Mukhang ilang araw na lang ay magsa-say good bye na ko rito kay Nick.

Leaf Gueco

Oo, kanina pa.

Binitiwan ko na ang smartphone ko at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama. Mas mabuti pang mambulabog na lang ako sa bahay nina Fifth kaysa maghapong makipagbolahan kay Nick. Ano ba'ng akala niya sa'min? Highschool student pa rin? Akala niya ba papatusin ko 'yung mga 'kumain ka na ba' niyang tanungan? Masyado naman siyang nadadala sa pa-fall requirements ngayon ng mga bata sa Facebook.

Saglit lang akong nag-ayos ng sarili. Pumili rin ng isang brown na may kalakihang hair clip na isang linya lang at may design na bilog sa dulo para gamitin. Dumiretso na agad ako sa paglabas mula sa sariling kuwarto nang matapos. Habang pababa sa hagdan ay sinalubong ako nang nanonood sa sala na si Mama. Nag-angat naman agad ito ng tingin sa'kin.

"Saan ang punta mo dalaga?" Tanong nito.

"Kina Fifth po muna ako Ma, saglit lang naman po." Sagot ko rito at agad na humalik sa pisngi niya nang makalapit.

Nakaupo ito sa kulay puti naming sofa na korteng letrang L ang design, kaya medyo tinitingala niya ako habang nagsasalita.

"Huwag magpapagabi a, baka naman makipagkarerahan ka pa magpa-late ng uwi kay Papa mo." Sabi nito kaya agad akong napangiti.

"Hindi po a, kailan ba ako nagpagabi?" Maang kong tanong dito.

Kailan nga ba ako nagpagabi? Nagpapaumaga ng uwi puwede pa; ang totoo nga ay mas madalas.

"Ah, gusto mong ilista at sabihin ko sa'yo kung kailan ka nagpagabi? Baka 'di na matuloy lakad mo niyan at 'di pa ako tapos mag-lista." Naiiling nitong sabi na siyang ikinatawa ko naman.

"Nasaan po si Papa, Ma?" Segue ko rito.

Si Mama pa, siguradong kayang-kaya niyang gawin 'yon. Kaya kailangan nang baguhin ang topic! Mahirap na at baka imbis na pinayagan na nga akong lumabas ay magiging bato pa.

"Nasa Cavite," sagot niya.

Agad na nagbago ang timpla ng mukha ko dahil sa narinig. Alam ko na agad kung sino ang pinuntahan niya roon at ayoko nang may malaman pa. Masisira lang ang araw ko; hindi pa man ganap na nagsisimula.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon