Chapter 9

109 5 0
                                    

Chapter 9

Uwi

"Kadarating niyo lang?" Tanong niya habang naupo sa kanang tabi ko, bale siya na ang nasa edge ng half circle na couch.

"Yep, halos kaoorder lang din namin." Sagot ko rito at pasimpleng pinasahan ng tingin ang suot niya.

Nakasuot siya ngayon ng plain deep blue sweater and a light blue denim pants. Wala siya ngayon ang chain necklace niya, pero hindi 'yon nagkulang para hindi siya maging kapansin-pansin.

Medyo humahaba at kumakapal na ang naka-semi faded niya sa dalawang gilid. Hinayaan niya lang ngayong nakaladlad ang buhok niya, kaya natatabunan non ngayon ang noo niya.

Nagkanya-kanya kami ng red cup at busy ang mga kasama namin sa table na pumuntang dance floor o magkipaglaro sa iba pang kilala. Kami rito ay nakaupo lang na may tig-isang hawak ng inumin.

Wala akong balak ngayong tumayo para makigulo kina Jairus sa dance floor, dahil gusto ko munang makipagkwentuhan at makipagramdaman sa katabi ko ngayon.

"Hindi ko alam na pupunta rin kayo rito," pagbubukas ko ng topic.

Magka-dm lang kami kanina pero hindi niya binanggit na aalis din pala sila at parehas kami ng pupuntahan. 

Wala na, nagtatampo na ako. 

Akala mo naman talaga pwedeng magtampo.

"Akala ko nagaaral ka tonight," sabi ko ulit dahil mukhang wala siyang balak na magsalita.

Nang halos ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin siya nagsasalita ay nilingon ko na siya sa tabi ko. Agad kong nakasalubong ang tingin niya at bahagyang nagulat sa lapit ng mukha niya sa'kin. Hindi ako prepared!

"H-hoy... ba't ang lapit mo?" Sabay bahagya kong inilayo ang mukha na halos isang dangkal na lang ang layo ng sa kanya.

Hindi siya gumalaw mula sa pagkakalapit ng mukha niya sa'kin kaya napakunot lang ako ng noo habang nakatingin sa kanya. Sobra-sobra na ang kabog ng dibdib ko at hindi pa siya lumalayo mula sa pagkakalapit niya sa'kin. Ano bang balak nitong medtech na 'to? Gusto na ata ako nitong mabaliw sa kaba!

Sumingit bigla ang mata niya at idinikit ang kanan niyang palad malapit sa bibig tsaka mas inilapit sa akin ang mukha.

"What are you saying? Hindi kita masyadong marinig," may kalakasan niyang sabi malapit sa tainga ko.

Ay juice ko namang buko flavor! 

Napahinahon ako nang marinig ang sinabi niya. Hindi naman pala niya ako masyadong marinig kaya hindi nagrerespond sa mga sinasabi ko. Ba't ba kasi naging pabebe ako kanina at ang hina ng boses ko? Nalimutan kong nasa bar nga pala kami. Ang stupid lang Leaf!

Medyo inilayo na niya ulit ang mukha sa pagkakalapit sa akin pero nanatiling nakaharap sa'kin at bahagyang nakataas ang kilay.

Natuptop ko ang labi ko para pigilan ang nagbabadyang ngiti. Kaloka naman, ang landi ko at kinikilig ako ngayon dito!

Dahan-dahan akong  lumapit din sa kanya para makabulong nang may kalakasan, at medyo yumuko naman siya para maabot ko ang tainga niya.

"Sabi ko, hindi mo nabanggit kanina na pupunta rin kayo rito at akala ko kasi ay nagaaral ka ngayong gabi." Bulong ko rito at dahan-dahan din na lumayo sa kanya.

Buti at napabalik din agad ako sa wisyo matapos maamoy ang bango niya. Ano kayang pabango nito? Hindi masakit sa ilong ang pabango niya, mas lalo ata akong mababaliw sa katabi kong 'to. Help!

"Biglaan lang kaming napapunta rito, nabored kasi kanina." Sabi niya at dumikit na lalo sa akin tsaka muling inilapit ang bibig sa tainga ko.

Kinakagat ko na ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang lalo pang pag-ngiti. Ngayon lang ako kinilig ng ganito kahit na wala namang ginagawang nakakapagpakilig ang katabi ko.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon