Chapter 19

86 6 1
                                    

Chapter 19

Penshoppe

Pauwi na ako ngayon mula sa klase at katulad noong mga nakaraang araw ay hindi pa rin ako nagpapahatid-sundo na kay Maverick. Ayoko pa. Hindi ko pa rin kasi naiintindihan ang sarili ko.

Naglalakad na ako papunta sa pila ng mga bus nang mapatigil dahil sa pagvi-vibrate ng cellphone ko.

"Sino 'to?" Salubong kong tanong sa unregistered number na tumatawag.

[Ouch naman. Di mo pa rin sinave number ko?]

Saglit na napakunot ang noo ko habang iniisip ko kanino ang narinig na pamilyar na boses.

[This is Kendrick, not Barbie's Ken, okay? Just Kendrick.]

Napairap ako sa narinig mula kay Kendrick, baliw talaga 'to.

"Ba't ka napatawag?"

[Magtatanong sana ako--]

"Bawal, busy ako. Sa iba ka na mag-survey," pagbibiro ko rito nang putulin ko siya sa sinasabi.

[Ayoko po sa iba, gusto ko po sayo.]

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Ang talandi!

"Gago. Ano ba 'yon?" Tanong ko rito at nagsimula na ulit maglakad. Nasa gilid lang naman ako at walking area 'to 'tsaka halos sampung hakbang na lang ay nasa pila na ako ng mga bus.

[May nakita ba kayong white sling bag sa pancitan noong Sabado? Nawala kasi sa isip ko, at nandoon kasi 'yung sapatos ko pati wallet.]

Parang nagliwanag ang mukha ko nang marinig ang sinabi niya, so sa kaniya pala 'yung puting bag na naiwan nga noong nakaraan.

"Oo, pero na kay Justin 'yon ngayon. Siya ang nag-uwi eh," sabi ko rito habang nasakay na sa isang nakapilang bus.

[Shit. Pwede favor Leaf? Pwede ba kitang i-meet tomorrow para makuha 'yung bag? May papers kasi sa wallet ko at kailangan ko na 'yon sa Wednesday.]

Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi ako magiging libre ng maaga hanggang alas-sais kung sakali, kaya hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi.

[Kahit sobrang saglit lang talaga, sobrang kailangan ko lang kasi. Pasensya na sa abala.]

Napabuntong hininga ako bago magsalita.

"Sige, pero pwede bang gabi na lang? Sabihin na nating 7:30 P.M.? May pupuntahan kasi ako at baka 7 pa bago ako makauwi." Pagpapaliwanag ko rito.

Kung makikipagkita naman siya ng pagkatapos ng group work namin ay hindi na masama, dahil wala na akong gagawin pagkatapos noon.

[Sige sige! Sorry talaga sa abala at thank you agad!]

Napangiti ako nang marinig ang kasiyahan na ulit sa boses niya.

"Sige, ayos lang. Bukas na lang ha," sabi ko rito.

[Yup! Chat na lang kita, at please pansinin mo na chats ko ha.]

Mahina akong natawa sa sinabi niya at kahit hindi niya nakikita ay napairap.

"Oo na, bye na." Sabi ko rito.

[Sige sige, bye! Ingat ka kung nasa'n ka man!]

Tumawa lang ako at ibinaba na ang tawag.

Sasaglit lang naman ako ng pakikipagkita sa kaniya bukas, kaya ayos lang naman 'yon. Hindi naman siguro 'yon magiging unfair para kay Maverick 'di ba?

Ah pucha.

Bakit ko ba siya inaalala? Ano naman? Atsaka ayos lang 'yon, oo tama.

Napabuntong hininga ako at nanghihinang isinandal na lang ang ulo sa bintana ng bus. Nakakastress naman 'to.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon