Chapter 28

104 8 1
                                    

Chapter 28

Help

Ramdam ko ang biglang pagtigil ng mundo ko. Wala akong ibang marinig at ang lahat ng nasa paligid ko ay tila lumabo sa paningin ko.

Miski ang paghinga ay hindi ko magawa. Kahit dumami na ang mga tao sa loob ng kwartong kinaroroonan ko ay wala pa rin pumapasok sa isip ko. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila, gaya ng isang bagay ay nasira bigla ang tainga ko, at 'di na sila magawang marinig.

Nakatulala lang ako sa kawalan habang pilit pinoproseso sa isip ang huling sinabi ni Kevin.

Hindi pwede. Ayoko, 'di ako papayag.

Biglang sumikip ang dibdib ko at unti-unti akong kinukulang sa hininga.

Ang sikip!

Ang daming nakapatong sa akin na mga tela at nahihirapan akong huminga!

Nakapikit akong itinaas ang mga kamay para hawiin ang mga tela na nasa ibabaw at harapan ko, umaasa na makakahinga.

"Anong nangyayari Leaf? Bakit anak? May nararamdaman ka ba?"

Nakaramdam ako ng paghawak sa dalawang kamay ko para mapigil sa paghahawi. Nahihirapan akong nagmulat ng mata at tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha na humarap kay Mama na ngayo'y nasa tabi ko at mahigpit ang pagkakahawak sa akin. Punong-puno ng pagaalala ang mukha niya pero 'di ko ito mapagtuunan ng pansin dahil nahihirapan pa rin akong huminga!

Walang tigil ang pagluha ko at nararamdaman ko na rin ang pamumuo ng mga butil ng pawis sa noo ko. Lalo lang 'tong nagpapahirap sa'kin na huminga! Kailangan kong tanggalin ang mga nakapatong na damit na nagpapahirap sa'kin!

"Ma... ma..." Nahihirapan kong bulong kay Mama habang walang tigil ang pagluha.

Miski ang paghikbi para kumuha ng hangin ay hindi ko alam kung paano gawin!

"Ha-hangin..." Pakiusap ko rito at agad na kumunot ang noo nito.

Halatang-halata ang pagaalala sa mga mata niya at alam kong natataranta na rin ito. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Ayokong nagaalala ng ganito si Mama, ayokong nahihirapan siya.

"Ano anak? Sabihin mo kay Mama ang nararamdaman mo? Please, Leaf." Namumuo na ang luha sa mga mata nito at rinig na rinig din sa buong silid ang pagsinok nito sa dulo ng pagsasalita. Tanda nang pigil na paghikbi.

Mas lalong sumikip ang dibdib ko sa nakikita. Para nang pinipipi ng kung ano ang dibdib ko para makaramdam ako ng ganito. Pakiramdam ko ay kahit anong oras ay mayroong magpuputol ng isa sa mga ugat ko sa puso, sa sobrang pananakit nito.

"Damit Ma... T-tanggalin mo 'yung mga damit Ma... Di ako makahinga," nahihirapang sabi ko rito.

Nararamdaman ko na rin ngayon ang pagiinit ng likod ko, at ang unti-unting paglabas ng butil ng mga pawis sa mga butas ng katawan ko. Hindi ko na makaya!

"Teka anak... Umayos ka muna ng upo, teka. Nagdedeliryo ka," tuloy-tuloy na ang pagluha ni Mama habang nararamdaman ko ang pag-giya nito sa'kin at pag-ayos ng higaan para maging sandalan ko.

"Relax anak, relax. Mabagal kang huminga ng malalim." Pagsasabi sa'kin ni Mama na siyang pilit ko namang ginagawa.

"Inhale... Exhale... Mabagal lang anak,"

Nakatingin lang ako sa kamay nitong nagsesenyas nang pagkuha ng hangin at pagbuga nito. Tumango lang ako rito at patuloy pa rin na ginagawa ang sinasabi niya hanggang sa makabalik ang normal na paghinga.

Nasa dibdib ko pa kanang kamay ko nang inikot ang tingin sa buong paligid. Nandito pa rin sina Kevin at Justin, nadagdag lang sina Mama, Papa, at si Oliver. Nasa tabi ng pinto si Papa at agad na nag-iwas ng tingin sa'kin nang magtama ang tingin namin. Hindi naging hadlang 'yon para hindi ko makita ang pamumula ng mata niya, tanda nang pag-iyak. 

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon