Chapter 29

95 7 1
                                    

Chapter 29

Goodbye

Maverick calling...

Nakatitig lang ako ngayon sa cellphone at hindi ko alam kung dapat ko ba 'tong sagutin. Wala akong kailangang sabihin sa kaniya, at wala akong oras para rito. Wala akong gana para makipagusap sa kung sino.

Napabuntong hininga ako at iniwas na ang tingin sa cellphone na nasa side table at muling tumulala sa kisame. Buong araw akong ganito lang ang ginawa, miski ang pagligo ay hindi ko sana magagawa kung hindi lang ako pinilit ni Mama.

Tanaw mula sa bintana ko ang dilim ng gabi, at tanging ang ilaw lang ng lampshade ko ang pinagmumulan ng liwanag ng buong kwarto. Nakapatay ang aircon ko pero nilalamig pa rin ako.

Ang lamig at dilim ng gabi. Ang tila niyayakap ako na makapal kong kumot. Ang bigat ng dibdib at ang tila kalawakan na pakiramdam ko. Blankong-blanko na naman ako, at ramdam na ramdam ko 'to.

Ngayong gabi na ang huling lamay ni Jai. Hindi ko pa rin alam kung pupunta ba ako, makakaya ko ba? Ang isipin pa lang na makita ko ang litrato niya katabi ng mga pampatay na bulaklak ay hindi ko na maatim. Ang balita ko'y cri-ni-mate ang katawan nito, dahil daw sa bloated na ito at malaki ang posibilidad na mangamoy.

Ang init ng mabagal na paglandas ng luha ko sa magkabilang pisngi ang siyang nagparamdam ulit sa'kin ng init. Hanggang sa nag-walang tigil na ito sa paglabas at mapaupo na ako dahil kinukulang na ng hangin.

Ilang minuto pa bago ako nakakalma at naisip na puntahan si Jai. Ito na ang huling gabi niya, at kahit alam kong masasaktan lalo ng sobra ay hindi ko 'to palalampasin. Ito na ang huling gabi na makakasama namin siya.

Tumayo na ako sa kama at saglit na naglinis ng katawan para makapagpalit sa pantalon at isang puting v-neck shirt. Nang ayos na ako ay parang lumulutang ang katawan ko na naglakad papalabas ng bahay. Magco-commute lang ako pagpunta roon, dahil hindi ko rin sigurado kung makakaya ko bang magmaneho nang nasa ganitong sitwasyon. Maaabutan ko naman sa lamay sina Mama, dahil nagpaalam din kanina ang mga 'to sa'kin na pupunta roon. Noong una ay inaya pa ako ng mga 'to at ayaw na sanang tumuloy kung 'di ako pupunta.

Halos kinse minutos ang ginugol ko sa byahe, at agad din na bumaba sa King's Chapel. Nasa kabilang kalsada pa lang ako ay kitang-kita ko na mula sa kinatatayuan ang iilang bisita na naroon. Nakita ko rin sina Kevin at Justin na pabalik-balik sa paglalakad.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago nagsimulang humakbang para tumawid. Walang kahit na ano ang nasa isip ko, at hindi ako sigurado kung kaya kong makipag-usap sa kahit na sino sa loob.

Habang papalapit nang papalapit ay ramdam na ramdam ko ang parami nang parami na karayom na tumatarak sa puso ko. Sa sobrang sakit tila wala na 'tong kapaliwanagan.

"Leaf?" Nakakunot noo na sumalubong sa akin si Justin.

Tipid ko lang itong tinanguan. Gusto ko siyang ngitian, pero parang napako na ang labi ko at hindi na kayang umangat.

Lumapit ito sa'kin at bigla akong niyakap ng sobrang higpit. Ang tila bato kong katawan ay nabalot ng nakakakalma at init ng katawan niya. Tila naramdaman ko ang pagdaloy ng dugo sa aking mga ugat.

Marahan kong tinapik ang likod ni Justin at ilang minuto lang din naman ay kumalas na siya sa yakap.

"Pasok tayo," sabi nito at kahit nagmumugto ang mata ay nagawa pa rin ngumiti.

Tumango ako rito at naglakad na kami papasok.

May karamihan ang taong nasa loob, madalas ay ang mga naging kaklase at kaibigan din namin sa dating school. Ang iba ay ang mga kapamilya ni Jai, at may iilan din na hindi ako pamilyar, marahil sila ang mga kaklase ni Jai ngayong college.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon