Chapter 3

205 8 3
                                    

CHAPTER 3

Debut

"Tangina, gimik naman tayo!" Aya agad ni Jai nang makalapit sa'min.

"Hoy, tumahimik ka nga. Ang ingay-ingay mo," saway sa kanya ni Fifth na katabi ko.

Nandito kami sa derma waiting area ng Research Institute for Tropical Medicine o RITM, at hinihintay si Justin na lumabas. Isa sa mga Doktor kasi rito ang Mama niya at may pinadaanan sa kaniya, at dahil sa mababait kaming kaibigan ay nagpaka-chaperone na kami rito.

"Tayo lang naman nandito e," sagot ni Jai.

"Wag na muna gumimik, pupunta pa tayo sa debut ni Dria bukas, overnight 'yon." Paalala sa'min ni Kevin.

Tig-iisa pero hanay-hanay na magkakatabi ang mga upuan dito. Kung bibilangin ay nasa sampu ang hanay nito at bukod pa ang nasa kabilang side. Nakaupo kami sa dulo at kalapit lang ang mismong entrance ng waiting area. Hapon na kaya wala nang tao rito.

"Sino si Dria?" Tanong ni Jai habang nakakunot noo.

Hindi ko na masyadong naaalala ang mukha nung Dria, pero kahit papaano naman ay tanda kong may naipakilala nga noon sa'min na babae si Kevin.

"'Yung sinama ko na rati sa swimming natin! Tropa ko 'yon! 'Yung taga-Alabang," pagpapaliwanag naman ni Kevin.

"Ah. Nakalandian mo." Walang pakielam ang tono na dagdag ni Jai. Ang taong 'to talaga, lahat sa kaniya issue at pang-asar!

Umirap na lang ako at sumandal na sa kinauupuan. Pinili kong ilabas na lang ang smartphone para mag-tekken kaysa makinig sa kwentuhan nitong dalawa. Paniguradong hindi na naman matitigilan ni Jai si Kevin sa kakaasar.

Bahala na sa pagpapaalam kina Mama at Papa bukas tungkol sa pag-alis ko. Hindi naman sila sobrang mahigpit sa akin kaya siguradong konting paalala lang ay papayag na rin sila.

"Tara na," sabay-sabay kaming napatayo nang lumabas na si Justin.

Naglalaro pa rin ako habang naglalakad pero dikit naman ang braso ko sa braso rin ni Fifth para maging alalay ko at hindi ako makabunggo.

"Dumiretso na tayo sa Festi! Gutom na ako," sabi ni Jai at agad nang pumasok sa itim na SUV nina Justin.

Halos iilang hakbang lang ang nilakad namin mula sa kinaupuan na waiting area hanggang sa sasakyan. May sarili kasing parking lot and Derma rito at katabi lang ng mismong wating area.

"Tanga, anong bago? Lagi ka naman talagang gutom," pangaasar ni Justin na tinawanan naman namin.

"Bakit? Masama, magutom? Pagod ako sa pagaaral e. Chill bar nga tayo, pahinga lang." Segue nitong bigla.

Naiiling na lang ako habang naririnig 'to. Ang taong 'to talaga, kasasabi lang sa kaniya kanina na huwag munang gumimik pero nag-a-aya na ngayong uminom. Hindi talaga nakaiintindi ang gago.

"Ayos na ba mga gamit niyo?" Paninigurado ni Fifth sa'min bago kami sumakay.

"Yes boss!" Sagot naming apat at sabay-sabay na sumaludo kay Fifth.

"Nagdala ka ba ng extra mong brief, Jairus?" Pangaasar nito sa huli.

Hindi ko mapigil na mapatawa dahil sa narinig. Ngumiwi lang si Jairus at sininghalan siya. Makakalimutin kasi 'to at madalas na nakaiiwan ng importanteng bagay, puwera na lang kung paalalahanan mo lagi. Feeling baby talaga sa'min 'yan, kaya madalas para inisin ko siya lalo ay hindi ko siya pinapansin. Ang kulit lagi e.

Hiniram namin sa Mommy ni Justin ang itim na SUV para magamit sa pagpunta sa Laguna. Magaalas dose ng tanghali na at dahil oras ng siesta kaya naman inaantok na ako. Balak ko na matutulog na lang ako sa buong byahe. Ite-text ko na lang sina Mama kapag nakarating na kami ro'n.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon