Chapter 27

96 4 0
                                    

Chapter 27

Jairus

Kahit nilalamig ay agad din akong lumangoy para malapitan si Jai. Tangina lasing na lasing na ba 'to? Pero nakakausap ko pa naman siya ng matino kanina, at nakakatayo pa ng maayos.

Kahit wala pang isang oras magmula nang lumubog ang araw, ay dumoble na agad ang lamig ng tubig. Paahon-ahon ako habang nalangoy para makita kung nasaan na si Jai, pero hindi ko na nakikita ang tanda ng pag-langoy nito. Nalintikan na talaga!

Nagsisimula na akong kabahan ng sobra, pero pinipilit ko 'tong baliwalain dahil mas importanteng makalapit ako ngayon kay Jairus. Hindi ako magaling lumangoy at dagat pa 'to kaya lalo akong nahihirapan.

Hindi ko na alam kung gaano na ako kalayo mula sa dalampasigan nang may humawak sa kamay ko at pilit akong hinila paangat para makaahon.

"Tangina! Akala ko multo kang gago ka," sigaw ko kay Jai na ngayon ay tatawa-tawa habang tinitignan ako.

Agad akong napayakap sa balikat ko nang maramdaman na ang ihip ng malamig na simoy ng hangin. Ang nakatingkayad na paa ay unti-unti kong inilalapat sa bato-batong ilalim ng dagat 'tsaka bigla ulit na titingkayad para hindi masyadong malamigan.

"Balik na tayo ro'n Jai," aya ko kay Jai at muli siyang nilingon.

Bakas na lang ang ngiti rito at nakatingin lang 'to ng diresto sa dalampasigan at sa liwanag ng taas, kung saan naroon ang swimming pools.

Ilang minuto pang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Gustong-gusto ko nang umahon dahil nalalamigan na ako ng sobra sa tubig, pero hindi ko naman maaya nang tuluyan si Jai. Tahimik lang ito at kapag sinusubukan kong hilain sa braso niya ay hindi naman nagpapatinag. Nakakastress!

Humawak na ako nang tuluyan sa braso niya at hindi na bumitiw nang unti-unti na akong nadadala ng pag-alon ng tubig. Lumalakas na at nararamdaman ko na ang unti-unting pagtaas ng alon nito. Kailangan na talaga naming bumalik ng dalampasigan.

"Jai, balik na tayo please." Sabi ko rito at muli siyang tiningala.

Sa wakas ay mukhang natauhan na ulit 'to at nakangiting tinanguan ako.

Hindi ko na makayang lumangoy pa kaya kahit palalim na nang palalim ang tubig ay sinikap kong magtatalon-talon lang nang mahina papunta sa dalampasigan. Si Jai naman ay ganoon lang din ang ginagawa, siguro'y alam na hindi ko na kayang bumwelo para makalangoy.

"Sakay ka sa likod ko?" Tanong nitong bigla habang nakatingin sa akin.

Agad akong umiling dito at ngitian siya. Kaya ko pa naman, at paniguradong mahihirapan lang siya lalong lumangoy kung nasa likod niya ako. Miski na ba magiging magaan ang bigat ko dahil nasa dagat.

Tahimik lang kami habang sinusubukan pa rin na makabalik na sa mababaw na parte. Hindi ko alam kung nakakalapit na nga ba kami, o hindi kami nakakaalis sa kanina pa naming pwesto dahil ibinabalik lang din kami nang lumalakas na ngayong alon ng tubig. Tangina talaga. High tide na ata dahil gabi na rin talaga at December pa ngayon.

"Ah puta!"

Napalingon ako sa nasa gilid kong si Jai nang bigla 'tong huminto at dumaing. Hanggang taas ng balikat niya na ang tubig pero dahil mukhang iniapak na niya nang patag ang paa niya ngayon ay naghanggang kalahating leeg na niya ito.

Nagsisimula na akong kabahan at napahigpit ang hawak kay Jai nang muling matangay ng alon ng tubig. Hanggang baba ko na ang tubig kapag nakatingkayad at kapag pinapatag ko ang apak ay lumalagpas na sa labi ko ang tubig. Pucha.

"Jai anong nangyari?" Nagaalalang tanong ko rito at habang nakahawak sa kaniya at sinubukan kong pumunta sa harapan niya para matignan siya nang buo.

Nakangiwi lang ito at hindi na gumagalaw o sinusubukang tumingkayad.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon