Chapter 16
Calmness
"Tara pahangin!" Biglang aya ni Jai at tumayo.
Agad naman akong tumingin dito ng masama para pigilan siya. Ang ibig sabihin kasi ng pahangin sa akin ay magro-road trip gamit ang dalawang motor.
Masama man pero madalas namin 'tong magawa sa kalagitnaan ng gabi pagkatapos mag-inom. Lahat na lang ng kabalbalan ay nagagawa namin magkakaibigan, miski alam nang sobrang delikado nito.
"Gago wag muna." Kontra ko rito at ganoon din naman ang opinyon nina Fifth at Kevin.
Magsasalita pa lang sana si Jai nang tumayo bigla si Justin mula sa kinauupuan niya. Halos hindi na nito kayang tumuwid ng pagkakatayo, sobrang lasing na talaga.
"Tara boy!" Sabi niya at tinapik si Jai para ayain.
Nagniningning naman ang mga matang um-oo si Jai, pero napatigil 'to nang tumayo na si Fifth.
"Gago, tigilan. Matutulog na 'to," sabi niya at inalalayan na si Justin.
"Dalhin na kita sa kwarto mo boy ha? Tulog na ha," sabi nito at nilingon kami para senyasan na ihahatid na niya 'to.
"Magligpit na kayo r'yan, at Leaf dumiretso ka na sa guest room." Sabi nito na tinanguan ko naman.
Tumayo na ako at saglit na kinuha ang palapulsuhan ni Kevin para tignan ang oras. Magaalas dose na pala, tangina kaya pala ang sakit na ng pang-upo ko dahil ilang oras na akong 'di manlang nakakatayo.
"Sige na, mauna ka na at kami na lang dito ni Jai." Sabi sa akin ni Kevin pero hindi ko siya pinakinggan. Mas mapapabilis ang pagliligpit kung tutulungan ko siya, dahil hindi naman na makakatulong 'tong tulog na ngayong Jairus na 'to.
Walang imikan kaming natapos sa paglilipgpit ni Kevin at nagpaalam na rin agad akong pupunta sa guest room sa second floor. Magkakasama na ang apat na 'yon sa pagtulog sa kwarto ni Justin, at ako ang nakahiwalay rito.
Nagawa ko pang maglinis ng katawan para mas maging presko ang pagtulog, at saglit na bumaba sa kusina para makapagtimpla ng gatas at medyo mawala ang tama ng alak. Nang makahiga ako ay binuksan ko muna ang cellphone para mai-check pa ang oras.
1:24 A.M.
Ibaba ko na sana ang cellphone ko nang makareceive ng message.
@emvaliciejo_
You're still up?
Napatulala ako rito at hindi alam kung magre-reply ba o hindi na lang papansinin.
Bigla kong naalala lahat ng sinasabi ni Justin at nangyari kaninang inuman. Katulad kanina ay para na naman akong kinulong ng takot na baka mangyari rin sa akin ang pinagdaraanan ngayon ni Justin.
Walang kasiguraduhan ang namamagitan sa'min ni Maverick, at wala rin siyang sinasabi kung gusto o hindi niya nga ba ako. Noong una ay ayos lang sa'kin na wala siyang linawin, pero ngayon ay mas mabuti pa lang alam mo kung ano ka ba para sa kaniya, para alam mo kung anong dapat na maramdaman at kung hanggang saan ang limitasyon mo.
@dahongueco
Patulog na sana, ikaw? Ba't gising ka pa?
Hindi ko rin napigilan ang sariling mga daliri sa pagtitipa. Naisip kong kanina ay talagang hindi ko na siya nireplyan, ayoko lang ma-guilty ng sobra kaya ngayo'y re-reply-an ko siya. Ewan ko, pucha parang pinaniniwala ko na lang ang sarili ko rito.
@emvaliciejo_
Hindi pa ako inaantok eh, at hinihintay kitang magreply.
Sorry if I ever made you uncomfortable earlier.
BINABASA MO ANG
(Valiciejo #1) Deleterious of the Carousel
عاطفية(Valiciejo Series 1) 𝐒𝐞𝐥𝐟-𝐫𝐞𝐩𝐫𝐨𝐚𝐜𝐡𝐟𝐮𝐥. 𝐃𝐞𝐞𝐩𝐥𝐲 𝐬𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐧. 𝐀𝐫𝐞 𝐰𝐞 𝐦𝐞𝐚𝐧𝐭 𝐭𝐨 𝐛𝐞? Meinleafe Louisse and Maverick Emilio, everything about them started so perfectly. Smooth and slow; like the hard-spherical ball tak...