Chapter 11

103 5 0
                                    

Chapter 11

Sabay

Pauwi na kami ngayon at katahimikan pa rin ang namamagitan sa aming dalawa pagkatapos nang sinabi niya kanina.

Hindi ko in-expect ang sinabi niya, kaya nahihirapan akong i-process ito ngayon. Nakakabigla! Pinipigilan kong huwag kiligin ng sobra at wag ma-overwhelm sa sobrang pagkagusto ko sa kanya, pero paano ko 'yon magagawa kung ganito siya? 

"D'yan lang sa red na gate," sabi ko para maiparada niya ang sasakyan niya sa harap ng bahay namin.

"Ah... Thank you." Sabi ko at bumaba na ng sasakyan.

Hihintayin ko pa sana siyang makaalis nang nakitang bumaba rin siya. Ano sasabihin ko? Oh shit. Natatameme talaga ako kapag siya na at nawawala ang yabang ko. Nakakainis! Parang first day ko  sa school at kinakabahan ako.

"Anong oras pasok mo bukas?" Tanong niya na nagpagulat sa'kin.

"6:30 A.M." Sagot ko agad sa kanya.

Ang dami nang pumapasok na ideas sa isip ko. Ihahatid niya ba ako? Sasabayan pumasok? Hala, manliligaw na siguro 'to sa'kin! Nako naman, papahirapan ko nga muna siya ng slight. 

Nagpipigil ako ng ngiti sa mga naiisip. Ito na naman ako, masyadong pinapagana ang imagination kaya nasasaktan sa dulo. Bakit hindi ko kasi maiwasan na hindi mag-assume?! Nakakainis na Leaf.

"B-baki--"

"Sabay tayo bukas." Pagpuputol niya sa pagsasalita ko.

Ramdam ko ang pamimilog ng mata ko dahil sa sinabi niya. Bakit kahit isa 'to sa mga ina-assume ko kanina ay nagugulat pa rin ako ng sobra? Hindi ko inaakalang kaya niyang magsabi ng ganito, si Maverick Valiciejo? 'Yung crush ko inaaya akong mag-sabay kami papasok bukas! 

Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya, at napabalik lang ako sa wisyo nang marinig ang tunog ng bumukas na gate.

Napalingon agad ako sa likod ko at nakita si Mama na nagpupunas pa ng mata niya habang nakatayo na sa labas.

"Ma! Ba't lumabas ka pa po?" Tanong ko rito at nilapitan siya.

"Narinig ko kasi kanina 'yung sasakyan, kaya lumabas na ako para mapagbuksan ka ng gate." Sabi niya habang sa kalagitnaan ng pagsasalita ay nakatingin na sa kasama ko.

Halos mawala na sa isip ko na si Maverick nga pala ang kasama ko ngayon! Ano sasabihin ko ngayon kay Mama kung sakaling magtanong kung nasaan sina Fifth? Nalintikan na. 

"Good evening po," bati ni Maverick kay Mama at lumapit para mag-mano.

I hide my smile while looking at him. Sobrang galang talaga niya, ang sarap siguro nitong ipakilala sa magulang bilang asawa. 

Mahina kong tinampal ang noo dahil sa kung ano-ano na namang naiisip ko. Magtigil ka Leaf!

"Ah, Ma si Maverick po." Pakilala ko rito na tinanguan ni Mama.

"Good evening din Hijo," bati ni Mama sa kanya at ako na ang binalingan ng tingin.

"Nasaan na sina Fifth?" Tanong niya.

"Nagpaiwan po muna ro'n, baka umagahin na 'yon." Sagot ko sa kanya na tinanguan naman niya.

Paniguradong marami na siyang gustong itanong sa akin pero nagpipigil lang. Hindi ko pa alam at hindi pa ako ready na aminin at ikwento ngayon kay Mama ang tungkol kay Maverick, kahit na wala naman talagang meron sa'min at sadyang gusto ko lang talaga siya.

"Gusto mo ba munang pumasok Hijo?" Tanong niya ulit kay Maverick na nasa harap namin.

Umiling siya, "Sa susunod na lang po siguro, kailangan ko na rin pong umuwi eh." 

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon