Chapter 21

117 6 0
                                    

Chapter 21

Court

Natataranta na ako ngayon at ilang ikot na ang nagawa ko sa loob ng kwarto habang nakasalansan lahat ng damit ko sa kama. Hindi ko malaman kung anong isusuot ko!

Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-jeans, skirt, o mas okay nang mag-dress. Ni wala manlang nga akong ideya kung saan kami pupunta at kakain ni Maverick mamaya, sinubukan ko siyang tanungin kanina, pero hindi naman ako sinagot ng diretso. Basta raw ay kakain kami.

Sumubok pa akong mag-search kanina ng ideas kung anong pwedeng isuot kapag kakain sa labas, pero wala rin naman akong napala! Para akong biglang nagiging inosente at hindi malaman kung anong dapat gawin at ikilos ngayong lalabas ulit kaming dalawa ni Maverick.

Bahala na nga!

Dinampot ko na lang basta ang kulay green na square neck spaghetti strap dress na nasa pinaka-ibabaw ng mga damit ko. Sinuot ko na 'to at ang shoulder length hair ko ay nagawa ko pang padaanan ng plantsa. Once in a blue moon lang ako mag-plantsa ng buhok pero dahil pakiramdam ko ay may ibang mangyayari ngayong araw, kaya kailangang mag-ayos ako ng sobra. 'Tsaka dapat ay mukhang presentable ako sa paningin ni Maverick!

Nang makuntento na sa pagkakatuwid ng buhok ko ay nagsuot lang din ako ng dalawang beige hair pins sa kanang parte ng buhok ko. Pagkatapos ay naglagay ng powder at liptint 'tsaka pinaliguan ang sarili ng pabango.

Okay na 'yan!

Tinuro at kinindatan ko ang sarili nang makita na ang kabuuang ayos.

"Ang ganda mo ngayon Leaf ha, halatang lalandi ah." Sabi ko sa sarili ko at natatawang napailing na lang.

Umupo muna ako sa kama at binuksan ang cellphone para alamin kung nag-message na ba si Maverick.

@emvaliciejo_

I'm on my way.

Napangiti ako nang mabasa ang message nito. Sakto lang at tapos na akong mag-ayos ng sarili.

@dahongueco

Okay, ingat!

Lumabas na ako ng kwarto para makababa na rin at mabilis nang makasalubong si Maverick.

"Aalis ka na?" Tanong ni Mama nang makita ang ayos ko.

"Hindi pa po, padating pa lang po si Maverick." Sagot ko rito at umupo sa sofa 'tsaka itinapat ang electric fan sa'kin.

"Manliligaw mo na ba 'yan? Ipakilala mo na 'yan kay Papa mo ha," sabi ni Mama habang may nangaasar na ngiti.

Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi naman nanliligaw sa'kin si Maverick eh. Hindi ko alam kung ano kami, basta ang sabi lang kahapon ay close kami. 'Yun na 'yon.

"Hindi ko 'yon manliligaw Ma," sabi ko rito at pabiro siyang inirapan.

Hindi nawala ang nangaasar nitong ngiti sa'kin at tinabihan ako 'tsaka hinawi ang buhok ko para itago sa likod ng kanan kong tainga.

Tahimik ang buong bahay dahil may pinuntahan si Oliver at si Papa.

"Ang importante lang sa'kin ay ang hindi ka masasaktan ha? Gusto kong masaya lagi ang prinsesa ko," sabi ni Mama at nawala na ang ngiting nangaasar nito kung 'di napalitan ng maamong ngiti at tingin.

Napabuntong-hininga ako at napalabi.

"Ma, hindi po maiiwasan ang masaktan. Hindi naman pwedeng lagi lang akong masaya, kapag gano'n ay paano ako matututo? Hindi ba't mas magandang masaktan para mas tumatag ka?" Tanong ko rito at ngumiti.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon