Chapter 24

87 8 0
                                    

Chapter 24

Papa

Ilang minuto pa akong nanatiling nakatayo habang tinitignan ang bawat galaw ni Divine na pilit kinukuha ang atensyon ni Maverick. Hindi ko alam kung anong dapat na maramdaman.

Nararamdaman ko ang tila napuno ng hangin na tiyan ko, at ang unti-unting pagtahimik ng ingay ng paligid. Parang lumalabo ang mga tao sa paligid at tanging silang dalawa lang ang nakikita ko ng malinaw.

Ang akala ko ba'y hindi ako magseselos? Manliligaw ko lang naman si Maverick, at hindi ko pa siya sinasagot. Hindi pa kami, pero bakit ngayo'y para na agad akong nilalamon ng kulay berdeng halimaw ng pagseselos?

Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko ba sila o huwag na. Ayoko rin na makita ako ni Divine rito, dahil paniguradong kung ano-ano na naman ang ike-kwento niyang masama sa mga Auntie at Uncle namin patungiol sa akin. Ang totoo ay wala akong pakielaman dito pero ayokong ipahiya si Papa, kaya hanggang kaya ay iiwas ako.

Bumuntong hininga ako at sinikap na pabalikin sa akin ang lahat 'tsaka piniling tumalikod. Siguro'y magpapasundo na lang ako kina Jai at makikitambay na lang din kina Fifth, total naman ay nakabati na rin ako kay Maze.

"Saan ka pupunta?"

Napatigil ako nang kasabay ng bulong na ito ay ang paghawak ng kung sino sa kanang palapulsuhan ko.

Ang aroma pa lang na parang pinaiikot ako sa kaniyang kamay na bumabalot sa taong nasa likod ko ay alam ko na agad kung sino ito. Maverick.

"Uh... Uuwi na sana ako," sabi ko rito at inilabas ang isang tipid na ngiti 'tsaka siya nilingon.

Ayoko ng ganitong pakiramdam. Bago ito sa akin at sobrang naiinis na agad ako kahit ito pa lang ang unang pagkakataon na makaramdam ako ng ganito.

Naiirita rin ako sa ugaling ipinakikita ki ngayon, na parang sobrag arte ko. Nakakainis.

"Bakit? Hindi ka nagsabi sa'kin," may tampong sabi nito habang diretso ang tingin sa akin kaya napaiwas ako.

Gaya ng bula ay biglang pumutok at naglaho ang kaninag selos at pangit na nararamdaman ko kanina.

Nabigla ako nang mabagal ako nitong iginaya paharap sa kaniya at ang kaninang kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko ay nauwi sa pagyakap sa akin ngayong bewang nakaharap sa kaniya. Halos magdikit na ang katawan naming dalawa na aakalain mong sobrang sikip masyado ng paligid para maging ganito kami kadikit.

"Gusto mo na ba talagang umuwi? Uwi na tayo?" Tanong nito sa at diretso pa rin ang tingin sa akin. Naninimbang ang tingin na parang handang maintindihan agad kung anoman ang nagiging reaksyon ko.

Hindi ko alam kung saan itutuon ang atensyon ko ngayon, kung sa tanong niya ba o sa pag-aalalang baka naririnig na niya ang bilis at lakas ng tibok ng puso ko ngayon dahil sa sobrang lapit namin.

"Hey Rick, Maze's calling yo--- Meinleafe? Why are you here?"

Agad akong napatayo ng diretso at sabay kami ni Maverick na napalingon sa bagong dating na si Divine. Kita ko ang pagpasada ng tingin nito sa kamay ni Maverick na nasa bewang ko at mukhang walang balak na tanggalin.

Napaismid ako nang bumalik ang tingin sa akin ni Divine at ngayo'y nakataas na ang kilay. Hindi. Hindi ko talaga makakasundo ang taong 'to kahit kailan, malabo.

"Who are you to ask that?" Malamig at mababa ang boses na tanong ni Maverick dito.

Sabay kami ni Divine na napabaling dito dahil sa biglaan nitong pagsasalita. Ang kaninang nakataas ang kilay ng pinsan ko ay nauwi sa pag-ngiti ng matamis nang makitang nakatingin sa kaniya si Maverick.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon