Chapter 6

128 6 0
                                    

CHAPTER 6

Conversation

Pagkauwi ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kuwarto at mabilis na kumilos para mag-half bath. Nagmamadali rin akong nag-akyat-panaog mula sa kuwarto ko at sa kusina para kumuha ng pagkain na dadalhin sa taas. 

Walang ibang tao ngayon sa bahay dahil nasa trabaho pa si Papa, habang si Mama naman ay mukhang lumabas para mag-grocery. Si Oliver ay highschool student na kaya mamayang alas siyete pa ang uwi mula sa school niya. 

Habang abala ako sa pagkain ng adobong manok at kanin ay pabalik-balik ang tingin ko mula rito 'tsaka sa smartphone ko. Hindi pa rin siya nakakapag-reply! Ang tagal naman niya masyadong kiligin sa message ko! Dahil sa pagkabagot ay binisita ko na muna ang Twitter account nito. 

Ano naman kayang madalas nitong i-tweet? May nakakalandian kaya 'to sa Twitter? Tang na apple! 'Wag naman sana!

1,365 Tweets   1,365 Tweets & Replies   29 Media   1,506 Likes

Sobrang kaonti pa lang pala ng tweets niya! Kayang-kaya ko 'tong i-stalk at mabasa lahat hanggang sa pinakauna niyang tweet! Pero kung sabagay, wala rin naman sa itsura niya ang pagiging maingay sa social media. Sa personal nga ay pahirapan na 'tong makausap nang matagal e. 

Ang media niya ay halos puro pictures lang ng mga libro niya sa school o mga novels. Wala ako masyadong ideya rito, dahil hindi naman ako mahilig magbasa ng kung ano-ano. Educational books o Modules ko nga sa school ay napipilitan lang akong basahin kapag may activities o kapag wala na talaga akong mapatatanungan. May ilan ding pictures na nature naman o kaya'y sunsets, mukhang kuha 'to mula sa mga napupuntahan niyang lugar.

Tanging isang picture ng skyline at night ang naligaw rito. Wala itong kahit na anong caption o location na nakalagay, pero mukhang mula ito sa isang hotel sa Alabang? o kaya'y sa Makati? Baka minsan silang nag-hotel o gumala, dahil ang alam ko naman ay sa isang village sila sa Alabang nakatira. 

Nang ma-realize kong wala na akong mapapala sa Media column niya ay lumipat naman na ako sa Tweets. Nakakaloka naman 'to! Mabilis na lang ang pags-scroll ko at halos puro title ng libro pati ilang lines mula sa mga Doktor o kung sinuman ang tini-tweet niya! Nakahihiya bigla ang account ko na halos napupuno na ng mura ko kapag naiinis o nabo-bored. 

Tuloy-tuloy lang ako sa pags-scroll hanggang sa mag-notif ang Facebook account ko. Tang strawberry! This is it! 

Halos manlamig ang palad ko nang mabasang pag-accept niya ng friend request ko ang naging notification, sinundan pa 'to ng bigla niyang pag-message sa akin sa Twitter! Teka at kumalma ka naman Maverick! Bakit sunod-sunod ka naman?! Halatang habol na habol ka naman sa'kin?! 

Emilio Valiciejo accepted your friend request!

Emilio Valiciejo reacted to your profile picture.

What the fuck. . .

Sineryoso nga niya ang paglo-love react sa profile picture ko! Tang naman! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa taong 'to; napaka-cute niya! Para siyang inosente at uto-utong bata na kung anong sabihin ay susunduin! 

Hindi na mawala ang ngiti at ang palad ko ay tuluyan nang nanlalamig nang bumalik ako sa Twitter app ko para basahin ang message niya. 

@emvaliciejo_

Tapos na.

Ang puso ko ay hindi na maikalma sa halo-halong nararamdamang 'di ko maipaliwanag! Dalawang salita lang ang ni-reply nito pero ganito na ako kung mag-react! Malala na nga siguro ako.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon