Chapter 30
Dispenser
Ramdam agad ang pagiging iba ng pagce-celebrate namin ng pasko at new year sa taong 'to.
Nasanay akong laging nabisita ang apat na ungas sa bahay sa mga ganitong araw, kahit saglit ay dadaan sila para makikain o makipagkwentuhan. Ngayon. Walang nangyaring gano'n.
Noong nakaraan ay umalis sina Justin at pumunta sa relatives ng Mommy niya. Si Kevin naman ay katulad ni Justin na umalis din pero papunta sa Korea, kasama sina Tito at Tita. Wala akong naging balita sa parents ni Jai. Samantalang wala pa rin nagiging paramdam sa'min si Fifth.
Nagaalala na ako rito. Kahit kailan ay hindi naman ito naging ganito. Hindi ko masabi kung nagrerebelde ba si Fifth ngayon o kung anuman. Pero siya si Fifth e. Si Fifth na responsable at matured kung mag-isip, kaya nga siya ang tinuturing naming kuya ng tropa, pero ano 'tong nangyayari ngayon?
Tila nagpupuyos ang dibdib ko sa halo-halong nararamdaman. Isang linggo pa lang halos nang nailibing si Jai pero sobrang dami nang nagbago.
Napabuntong hininga ako at napabalik ang tingin sa tv. Kanina ko pa 'to pinapanooran pero hanggang ngayon ay hindi pa rin napasok sa isip ko kung ano nga 'bang nangyayari sa palabas. Laging nadadala ng kung ano-anong bagay ang isip ko.
Nakuha ng cellphone ko ang atensyon ko nang bigla itong mag-ring. Halos hindi ko na 'to nagagamit. Nawawalan na ako ng gana at naisip kong wala naman akong kailangang gawin dito.
Kendrick Cervantes calling...
Anong kailangan nito?
Wala akong maisip na magiging dahilan niya para tawagan ako at wala rin akong kailangang sabihin sa kaniya. Tinitigan ko lang 'to hanggang sa kusa nang matapos ang pagtunog ng tawag. Ayokong makipag-usap.
Pairap akong ibinalik ang tingin sa tv pero hindi rin nagtagal ay tumunog na naman ang cellphone ko. Sa pagkakataong ito ay message mula kay Maverick ang natanggap ko.
@emvaliciejo_
Hi. Good morning. I hope you're alright.
Napatiim labi ako sa nabasa. Sa buong isang linggo ay walang mintis siyang nagme-message sa'kin, pero kahit isa ay wala akong nareplyan. Bukod sa hindi ko alam kung anong dapat kong i-reply ay madalas naman na hindi tanong ang mine-message niya. Puro lang paalala o pagbati, kaya sa tingin ko ay hindi ako obligado na replyan ito.
@emvaliciejo
Are you busy? Can we meet later?
Napataas ang kilay ko sa bagong message na na-receieve.
Mukhang iba ang araw na 'to. Ngayon lang siya nagtanong tungkol sa pakikipagkita sa'kin. Hindi man niya ako nakikita ay agad akong napailing. Ayokong makipagkita. Wala akong dapat sabihin sa kaniya. Ayoko rin lumabas ng bahay.
Magbabalak pa lang sana akong mag-reply sa kaniya, pero agad akong natigilan nang may matanggap ulit na message mula sa kaniya.
@emvaliciejo
I understand if you don't want to meet me, Leaf. If you won't reply, I'll just take it as a no. Maybe next time then? Take care always.
Napalunok ako sa nabasa. Dapat ba akong ma-guilty o ano? Hindi na ako nag-isip at hinayaan na ang sariling magtipa ng ire-reply sa kaniya.
@dahongueco
Hindi maayos ang pakiramdam ko e, next time na lang siguro. Sorry.
Ayos naman na siguro ang ganoong reply. Nag-sorry naman ako sa kaniya. Sadyang wala lang akong gana na makipagkita sa kaniya o kung kaninoman. Ayoko munang makipagusap nang makipagusap.
BINABASA MO ANG
(Valiciejo #1) Deleterious of the Carousel
Lãng mạn(Valiciejo Series 1) 𝐒𝐞𝐥𝐟-𝐫𝐞𝐩𝐫𝐨𝐚𝐜𝐡𝐟𝐮𝐥. 𝐃𝐞𝐞𝐩𝐥𝐲 𝐬𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐧. 𝐀𝐫𝐞 𝐰𝐞 𝐦𝐞𝐚𝐧𝐭 𝐭𝐨 𝐛𝐞? Meinleafe Louisse and Maverick Emilio, everything about them started so perfectly. Smooth and slow; like the hard-spherical ball tak...