Chapter 40

173 5 0
                                    

CHAPTER 40

Again

"Y-you're here." Mahinang usal ko habang nakatayo ngayon sa harap ni Fifth.

Hindi ako makapaniwala. Totoo ba 'to? Natitigalgal ako sa mga nangyayari ngayon. Paanong kinakaya ko pang sumabay sa mga nararanasan ko ngayong araw?

"Leaf," bakas ang gulat na pagkilanlan niya sa'kin.

Ang mga taong hindi ko nakita o nasalubong manlang sa loob ng halos mag-pi-pitong taon ay isang araw lang... Isang araw lang ay sabay-sabay silang magpapakita sa'kin. Sa mismong lugar na tinakasan ko.

"Ayos ka lang?" Kunot noo na tanong niya sa'kin kaya bumalik sa reyalidad ang wisyo ko.

Nang ma-realize ko kung ano ang itinanong nito ay agad akong napa-ismid. Sa ilang taon na hindi kami nagkita ay iyan lang ang sasabihin niya?! Ang taong 'to! Inirapan ko siya at pagka-mangha lang ang naging reaksyon nito. Naiirita ako ng wala sa oras!

"Ah. Ayos ka nga lang," natatawang sabi nito.

Nakagat ko ang pang-ibaba na labi at napabuntong hininga. Ngayon ko na lang ulit siya narinig na tumawa. I used to witness that laugh before. Lagi. Kapag kaming lima ang magkakasama at sabay-sabay na walang pakielam sa paligid. Masaya at kuntento kaming lima noon nang kami-kami lang. Ramdam ko ang init ng yakap sa puso ko dahil sa mga naalala. Those were one of the best days of my life.

"Bakit ngayon ka lang? Bakit hindi ka manlang nagparamdam? Ayos ka na ba?" Dire-diretsong tanong ko rito.

Hanggang ngayon, sa kaniya ko lang kinakaya maging ganito. Matampuhin at laging tila isang bunso sa kaniyang Kuya. Kahit pala dumating ako sa edad kong 'to, mag-da-dalawampu't pito na sa susunod na buwan; patuloy ko pa rin siyang ituturing na Kuya.

Sumeryoso ang mukha nito at hindi agad nakapag-salita. Ang puso ko, humahanga ako ngayon sa sarili ko dahil sa dami nang nangyayari ngayon ay kinakaya ko 'tong harapin. Ang gulat, takot, pag-ungkat sa nakaraang sakit, sa iisang araw ay hinarap ko.

"I-I..."

Hindi ko na napigilan ang sarili na yakapin siya. Sa ngayon, wala na akong pakielam sa kung anuman ang rason nil ani Justin noon. Hindi pa man sila nagpapaliwanag ay pinatawad ko na sila-hindi, kahit kailan ay hindi ako nagtanim ng galit sa kanila. Ang tanging pagtatampo at pagka-miss lang ang kinaya kong maramdaman.

Nang maramdaman ko ang init ng katawan niya ay tuloy-tuloy at walang humpay na umagos ang luha ko. Ang kuya ko. Noong mga panahon na hindi ko kaya ang maging Ate para kay Oliver ay siya ang sumusuporta sa'kin. Hindi ko naiintindihan noon ang mga tungkulin ng panganay dahil gusto kong ako ang inaalagaan, na ako ang bunso.

"Nakakainis ka. Nakakainis kayo ni Justin." Humihikbing sabi ko rito at mas humigpit ang yakap sa kaniya.

Naramdaman ko ang nginig ng tiyan nito dahil sa mahinang pagtawa. Hindi ko inanyayahan ang sarili na sumabay sa tawa nito at patuloy lang na umiyak. Parang panaginip ang lahat ng nangyayaring 'to.

"Iniwan niyo kami ni Kevin. Nakakairita kayo," naiinis kong sabi rito at kinurot siya sa likuran, kahit hindi naman ako nagtagumpay na masaktan 'to.

"Sorry our Dahon," kalmado at puno ng sinsero na sabi nito. Hinahaplos din nito ng marahan ang buhok ko.

Tahimik akong humihikbi habang hindi maalis ang yakap dito. Natatakot akong kapag bumitiw ako rito ay bigla na naman siyang maglalaho. Bigla na naman silang aalis para iwanan ako.

"Ikaw kaya ang umalis diyan," biglang sabi nito makalipas ang ilang minuto na tanging hikbi ko lang ang maririnig sa pagitan namin.

Natigil ako sa pag-iyak at pupungas-pungas na tiningala siya. Ako ang umalis?! Kailan pa? Binabaliktad ba niya ang kuwento? Aba! Tang orange juice!

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon