Chapter 10

122 7 0
                                    

Chapter 10

Professions

Napakabilis pa rin ng kabog ng puso ko at habang tumatagal na tila yakap niya ako mula sa likuran ay bumabagal at nagiging malabo ang mga nasa paligid ko. Sa bilis ng tibok ng puso ko lang ako ngayon naka-pokus at sa pagaabang kung ano pang sasabihin niya.

"Uwi na tayo, nagsusuka na ro'n si Justin." Dagdag niya sa sinabi at ang kamay niyang nasa tyan ko dahil sa pagkakayapos sa bewang ko ay lumipat na sa tagiliran ko para umalalay.

Iginaya na niya ako sa paglalakad at siya na ang humahawi sa mga nagsasayaw na nadaraan namin.

Nang makalabas na kami sa gitna nang mga taong nagsasayaw ay nilingon ko na siya.

"Nasaan si Justin?" Tanong ko rito habang nakakunot ang noo.

Nak ng pucha talaga 'yon, akala mo batang kailangang alagaan.

Sumilip ako sa wristwatch na suot at nakitang maga-ala una pa lang ng madaling araw. Masyado pang maaga para malasing agad ang ungas na 'yon, o baka sadyang nawili na naman masyado na sunod-sunod na paglagok ng alak.

Madalas pa naman ay ginagawa niyang tubig ang alak. Pare-parehas sila nina Jairus at Kevin.

"Nasa table niyo na. Nakita ko lang siya kanina sa C.R. na nagsusuka na," paliwanag nito at medyo yumuko para marinig ko ang sinasabi niya.

Napatango naman ako sa sinabi niya at nagdiretso na sa paglalakad papunta sa table namin kanina.

"Puta ka! Alak pa!" Gigil kong sabi at binatukan si Justin na nakayuko na ngayon sa table at ginagawang unan ang braso niya.

"Uy Leaf! Dyan ka pala!" Sabi niya at itinaas pa ang kaliwang kamay para kumaway sa'kin.

Namumungay na ang mata niya at kahit anong oras ay alam kong makakatulog na agad 'to. Nalintikan na. Hindi ko pa naman alam kung nasaan na si Fifth.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at nilingon si Maverick na nasa likod ko.

"Sorry, pero pwede favor?" Tanong ko rito.

Kumunot ang noo niya habang tinatanaw ako mula sa kinatatayuan niya, masyado kaming magkalapit at kahit hindi naman ako sobrang kaliitan ay nagmumukha pa rin akong maliit.

Tumaas ang kanang kilay niya.

"Pwedeng pabantay lang saglit kay Justin? Hahanapin ko lang si Fifth," paliwanag ko rito.

Agad na umigting ang panga niya nang marinig ang sinabi ko.

May mali ba akong nasabi?

Napabuntong hininga ako at magsasalita pa lang ulit sana nang hawakan niya ko sa magkabilang braso.

"I'll find him." Sabi niya at pilit akong pinaupo sa couch.

Tumayo na siya nang tuwid sa gilid ko pero agad din akong tumayo nang bitiwan na niya ang braso ko.

"Hindi, ako na lang ang maghahana--"

Hindi ko na natapos ang sinasabi nang agad naman niya akong hinawakan sa balikat at pilit pinaupo sa harapan ni Justin.

Tumikhim siya habang nakatayo pa rin sa harapan ko, at ako naman ay tinitingala siya lalo ngayon.

"Just stay here and don't let anyone come near you. I'll be back instantly." Sabi niya at nanlaki ang mata ko nang mahina niyang pitikin ang noo ko.

Baliw na rin ata 'tong taong 'to.

Nang umalis na siya sa harapan ko ay hindi ko napigilan ang pagkunot ng noo habang napapalabi para pigilan ang ngiti. Hindi ko napigilang kapain ang noo ko, halos lumapat lang ang daliri niya rito at walang kahit anong sakit akong naramdaman. Nako naman, ba't biglang ang touchy niya?! Ay juice ko! Papansin naman na Valiciejo 'yon!

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon