Chapter 13

93 4 0
                                    

Chapter 13

Family

Limang minuto pa lang magmula nang manatili ako sa hut house at inuukupa ang oras sa pagcecellphone nang makarinig ako ng mga boses na papalapit.

"Hindi ba kasama nina Tito Jerard si Leaf? Napaka-attitude talaga no'n, siya pa ang aarte na huwag pumunta rito."

"Nakita ko siya kanina pero bigla na lang nawala, baka nagpapa-special na naman. Akala naman niya hahanapin natin siya. Duh."

Napangisi at napailing ako sa narinig. Ang mga pinsan kong walang ginawa kung hindi ang pansinin nang pansinin ang mga kilos ko para may masabi sila. Naiinggit ata 'tong mga 'to dahil walang mga pumapatol sa kanila, kahit ibalandra na nila lahat yaman at kasosyalan nila. Nakakairita!

Isinawalang bahala ko na sila at nagcellphone na lang. Kailangan kong huminahon at huwag silang patulan, dahil sina Mama at Papa lang din ang maaapektuhan kung mageeskandalo ako rito. Ayokong mangyari 'yon.

@emvaliciejo_

Hi.

Napangisi ako nang makareceive ng message mula kay Maverick.

@dahongueco

Hey!

Attentive akong naghihintay sa irereply niya lalo na nang makitang typings na agad siya.

@emvaliciejo_

Goodnight. Have a nice sleep.

Literal na napamaang ako nang mabasa ang message niya, at napahalakhak sa huli. Kakaiba ka talaga Maverick! Hindi mo ko binibigo sa pagkakagulat at hanga sa'yo!

@dahongueco

Okay okay, goodnight din Doc!

I pursed my lips and trying to hide my smile. Bakit kahit ako ang tumawag sa kaniya ng Doc, ay ako ang kinikilig?

Bigla akong naexcite sa mga padating na taon. Sana talagang makamit niya ang pangarap niya, dahil kitang-kita ko kung gaano niya 'to kagusto.

Kinaumagahan ng araw na 'yon ay nagising ako sa tawag ni Mama sa'kin mula sa labas ng kwarto. Basta lang ako pumasok dito kagabi nang inantok na.

"Ma uwi na tayo," aya ko rito pagkalabas at naabutan siya sa hallway ng bahay.

"Mamayang hapon na raw tayo umuwi sabi ng Papa mo, minsan lang naman daw." Sabi niya at ginulo ang buhok ko.

Napairap ako sa narinig na sagot niya. Ayoko nang magtagal pa rito!

"Bakit mamayang hapon pa Ma? Ngayon na lang agad," nagmamaktol na sabi ko rito ag dumiretso na sa CR sa ibaba.

Gumamit ako ng isa sa mga naka-stock nilang toothbrush at naghilamos na rin bago dumiretso sa hapag.

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng paglalakad papunta sa dining area nang makarinig ng nabasag na kung ano.

"Omg! Ano bang ginagawa mo Oliver?! Ba't ka ba kasi nagtatatakbo rito?!"

Napataas ang kilay ko at dire-diretsong pumunta sa living room kung saan nanggagaling ang boses.

May ideya pa lang ako sa nangyayari, pero naiinis na agad ako sa naiisip pa lang.

"Hindi pa nga kayo nakakabayad sa utang niyo sa'kin tapos ang kapal mo pa para basagin ang isa sa mga figurines ko! Hindi mo alam kung magkano 'to!" Rinig kong pagalit ni Auntie Ellen.

Nang makarating ay hinila ko agad sa braso niya si Oliver, at ipinirmi siya sa likuran ko.

"Sorry Auntie," sabi ko rito.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon