Chapter 15

112 7 2
                                    

Chapter 15

Kinakatakot

"Ano nangyari r'yan?" Bulong ko kay Fifth na ngayo'y katabi kong nakaupo rito sa sofa sa kwarto ni Justin.

"Basted ata, 'di ko sigurado." Sagot niya at nagpatuloy na sa paglalaro ng tekken sa cellphone niya.

Napairap ako sa naging sagot nito.

Wala akong alam na may nililigawan ngayon si Justin, kaya para sa'kin ay malabo na may naka-basted sa kaniya. Napabuntong-hininga ako habang tinitignan ang kaibigan namin na ngayo'y kausap ni Tita sa telepono. Ang alam ko ay nasa Batanes ngayon si Tita at Tito, dahil sabay na nag-off muna ang mga ito sa trabaho para makabisita sa parents ni Tita ro'n.

"Opo mom, bye na." Rinig kong sabi ni Justin nang papalapit na sa gawi namin.

Apat pa lang kaming nandito at naghihintay pa kay Jai na on the way pa lang. Hindi ko pa alam kung anong tunay na plano pero mukhang magkekwentuhan lang at magiinuman kami sa rooftop nila Justin buong gabi.

Alas singko na ng hapon at nagkukulay kahel na ang langit na natatanaw sa bintana ng kwarto ni Justin. Napasandal ako lalo sa sofa habang nakatingin na ngayon ay Justin na nakatayo sa harapan namin.

"Bili muna ako alak. Ano ba gusto niyo?" Tanong nito habang pinaglalaruan sa daliri niya ang susi ng kanyang motor.

"Kahit ano lang sa'kin," mabilis na sagot ko rito.

"Puta naman. Wag mo tatanungin 'yan si Leaf, laging gan'yan sagutan niyan! Di na nagbago," reklamo ni Kevin na ngayon ay nakahiga sa kama ni Justin. Bwisit talaga 'tong antukin na 'to!

"Ewan ko sa'yo! Kairita ka!" Sabi ko rito at inirapan siya. Nangaasar naman 'tong tumawa.

Lagi na lang akong binabara nitong mga 'to, pero tama rin naman siya ro'n. Palagi kasing kahit ano o ikaw na bahala ang sinasagot ko kapag may nanghihingi ng opinyon ko kung saan kakain o anong kakainin o iinumin. Minsan kasi ay parang nakakatamad mag-isip ng kung ano nga ba talagang gusto mo.

"The Bar Pink na lang, samahan kita sa 7/11." Sabi ni Kevin at tumayo na sa kama.

Agad akong napa-reklamo nang marinig ang bibilhin nila.

"Ayoko no'n! gin o lambanog ang gusto ko!" Reklamo ko rito at naiirita na ang mukha.

Ayoko nga ng The Bar Pink dahil ang lakas ng tama, hindi mo namamalayan na nalalasing ka na pala. Mapanlinlang 'yon. Mas gusto ko ang gin na sisindihan at ihahalo sa juice na dalandan o kaya lambanog na may halo rin.

"Tanga! Mamamatay pa tayo r'yan sa pa-lambanog mo, tigil na nga tayo sa lambanog diba?" Kontra sa akin ni Kevin na inismiran ko lang.

Nakakairita naman kasi at bakit pa nauso ang mga nakakalason na lambanog? Hindi na tuloy ako nakakainom nito. Tss.

Nababadtrip na ako at tamad na tinanguan na lang sila 'tsaka tinaboy para makabili na.

"Sunduin niyo na rin si Jai! Pucha 'yon, napakabagal! Sa kaniya kamo pinaka-malaking ambag!" Pahabol kong sigaw sa dalawa nang makalabas na sila.

Napaka-pagong at pa-VIP talaga ni Jai lagi. Kahit minsan ay sasabihin na namin sa kaniya ng mas maaga ng isang oras ang kitaan, ay nala-late pa rin siya! Ang ungas na 'yon talaga!

Habang naghihintay ay nakipaglaro na ako ng tekken kay Fifth pero isang laro lang ay umayaw na rin agad ako dahil nakatanggap ng message.

@emvaliciejo_

Hi.

My heart skipped a beat. Para ako laging magkakasakit sa nagiging reaction ng katawan at emotions ko kapag biglang nagme-message sa'kin si Maverick. Nakakaloka!

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon