Chapter 34

88 5 0
                                    

Chapter 34

Maverick

Hindi ko mailagay sa salita kung gaano ako sobrang kinakabahan ngayon. Nandito na ako at hinihintay na lang na pumasok ang Doktor. Katatapos lang ng session nito kay Fifth, kaya't inihatid pa niya ito kina Tita sa labas.

Habang tumatagal ang paghihintay ko ay hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko ay isa akong batang unang beses pa lang na madadala sa Doktor, na alam kong tuturukan ako, at masakit 'yon.

"Hello."

Napaangat ako ng tingin sa biglang nagsalita. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya. Tipid ko siyang nginitian, at pinanood na makaupo sa kaharap kong sofa.

Magaan lang ang ambiance ng lugar, at expected ko na 'yon. Iyon naman talaga ang gustong iparamdam ng mga Doktor sa mga magpupunta nilang pasyente rito? Ang maging komportable ito para magaan ang pakiramdam na makapagsabi ng nararamdaman sa kanila.

Hindi ko nga lang alam sa sarili ko kung kaya ko nga ba na mag-kwento? Iniisip ko pa lang ay bumibigat na ang dibdib ko.

"I'm Zendra, you must be Leaf, right?" Bati niya nang nakangiti.

I nodded.

"Hey, as long as you can, try to be more comfortable. I'm not going to bite you. I'm just here to be a friend, or a stranger that you can talk to." Hindi nawawala ang ngiti na sabi nito.

She has a light aura and it's slowly making me feel comfortable. Added the fact that she literally looks like an angel and has that soft voice.

"I'll just ask you some questions and tell me if you're not ready to talk about it, it'll be okay. We have plenty of time, so no pressure, okay?" She again said, that made me agree.

Tatlong beses akong huminga ng malalim para mapakawalan ang nagbabarang hangin sa dibdib. Unti-unti namang kumalma ang tibok ng puso ko, hanggang sa maging normal. Dr. Zendra was just looking at me with her friendly smile.

"Are you ready?" She asked.

"Yes po," sagot ko rito.

I've now decided.

I'll be truer about my feelings now... because I want to be healed.

Malalim ang iniisip ko habang nasa biyahe pauwi. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang sarili ko para gumaling. Kung sasabihin ng iba ay magiging madali lang 'to, pero hangga't hindi ikaw ang nakararanas ay hindi mo malalaman ang totoo nitong hirap.

I was diagnosed of Acute Stress Disorder. Ito raw ang pinakamalapit na pwedeng rason sa lahat ng nararamdaman at nangyayari sa'kin nitong nakaraan. Ang sabi rin ay masyado pang maaga para mag-prescribe siya sa'kin ng mga gamot, kaya inirekomenda nitong subukan ko munang mag-counselling o group therapy. I'm thinking of consulting to a Psychologist for counselling. Mas mabuting kumilos na ngayon para hindi lumala. Ang inaalala ko pa ay si Fifth. Narinig ko kina Mama na mas mabigat ang naging diagnosis dito kanina kung iku-kumpara sa akin.

He has Uncomplicated Post-Traumatic Stress Disorder. Sinubukan ko kaninang mag-search ng tungkol dito, at nag-resulta na mabilis itong magagamot kung susundin ang lahat ng ire-reseta sa kaniya ng Psychiatrist. Sa pagkakaintindi ko pa ay maaring dulot ito ng mga nakakatraumang pangyayari, at sa tingin ko ay bukod sa nangyari kay Jai; dumagdag pa ang aksidente niya nitong nakaraan.

There's no room for negative thoughts now. I need to be strong to overcome this challenge. I can no longer stand to see my love one's eyes that's full of worries because of me.

"Mag-dinner na po muna tayo, Tita?" Tanong nang nagda-drive na si Justin kay Mama.

Si Fifth lang ang nabawas sa sasakyan dahil dumiretso na ito kanina sa pag-uwi.

(Valiciejo #1) Deleterious of the CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon