CHAPTER 2
Bus
"Anak nga naman talaga ng pusa o! Late na naman ako nito!" Reklamo ko at todo na ang pagtakbo sa kalawakan ng bus terminal ng starmall.
Kaya talagang 'di na ako nageexercise, dahil pagtakbo na rito tuwing umaga 'yung nagiging exercise ko sa buong linggo.
Mabuti na lang at naka-jogger pants lang ako at white thanos shirt. Hindi ko kasi nagagawang tumakbo ng mabilis kapag naka-nursing uniform ako, ang hassle! Ang hirap pa dahil lagi kong iniisip na baka marumihan ang uniform ko.
"Kayamot talaga 'yang si Justin! Tangina no'n di ako dinaanan," binubulong kong reklamo.
Tang na juice talaga! Nag-solo na nang pasok 'yong Justin na 'yon! Mapapa-goodbye Reading in Philippine History pa nga ata talaga ako ngayong araw! Isasama ko talaga sa sisi si Justin kapag naka-tres ako sa subject kong 'yon! Hirap pa naman kapag college na; wala na masyadong easy-easy lang na Professor.
Habang malalaki ang hakbang sa paglalakad ay ikot ang mata ko sa pagbabasa ng placards ng mga bus. Huwag naman sanang maubusan ng pa-Lawton na biyahe! Kung sakali ay wala na akong oras pa'ng maghintay!
"O! Sinong solo na Lawton r'yan?! Isa na lang 'to! Aalis na!"
Napalingon agad ako sa konduktor na 'yon at nagtatalon na tumakbo papalapit sa bus na sinasakyan niya.
"O Ate College, pa-Lawton ka?" Tanong nito sa'kin habang nakangiti; na tinanguan ko naman.
Bumaba siya mula sa hagdan sa pintuan ng bus at hinayaan akong makapasok. Ngiting-ngiti ako habang hawak ang strap ng suot na backpack. Idadaan ko na lang mamaya sa dasal ang makahabol sa first subject.
Gumala ang mata ko sa paghahanap noong bakanteng upuan. Teka... Wala naman nang bakante e. Standing na lang ba, pero ang sabi ay isa na lang kulang? Talaga nga namang kapag minamalas ka o, pero hayaan na. Importante ay makarating na ako sa university.
"Ate College, roon sa pinakadulo! Usog-usog na lang! Animan 'yan!" Napalingon ako sa huling linya ng upuan dahil sa sinabi ng konduktor.
Tang pineapple. Nalulula ako sa pag-alog ng bus kapag nasa dulo e, pero no choice. Hindi puwedeng pairalin ang pagigingaarte! Gora na lang!
"Excuse po." Sabi ko habang pasimple ang puwersa sa paggitgit sa lalaking nakaputi na nasa tabi ng salamin.
Aba. Pahirapan mapaurong! Walang konsiderasyon 'to! Nakaiinis. Dalawa ba binayad nito? Apat ba pisngi ng pang-upo nito? Nako! Sinasabayan ang init ng ulo ko a.
"Excuse sabi." Mas mariin kong sabi at pinilit ang sarili na makaupo 'tsaka siya ginitgit paurong sa dulo ng salamin.
Badtrip na ang mukha ko habang yakap-yakap ang pulang backpack sa kandungan ko. Iritado na nga ako sa init, sa pagka-late, at sasabay pa itong katabi ko sa bus? Ano ba naman 'yan! Unang lunes ng August tapos parusa na agad?! Aba, magandang bungad!
Napabuntong hininga ako nang maramdaman ko na ang butil ng tubig sa braso at sa leeg ko. Nagsisimula na namang umagos na parang tubig ng maynilad ang pawis ko. Kung hindi man sa Maynilad; baka sa San Roque Dam naman inspired ang pawis ko sa katawan.
Iritado kong binuksan ang bag para kuhanin ang panyo. Ini-stress ako ng init! Ang tagal tumalab sa akin nang lamig ng AC nitong bus.
Habang nagpupunas ng sarili ay napahinto ako nang maramdaman na may nakatingin sa'kin. Agad akong napalingon sa katabi kong walang konsiderasyon at halos lumuwa ang mata ko nang makilala kung sino 'to!
BINABASA MO ANG
(Valiciejo #1) Deleterious of the Carousel
Romance(Valiciejo Series 1) 𝐒𝐞𝐥𝐟-𝐫𝐞𝐩𝐫𝐨𝐚𝐜𝐡𝐟𝐮𝐥. 𝐃𝐞𝐞𝐩𝐥𝐲 𝐬𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐧. 𝐀𝐫𝐞 𝐰𝐞 𝐦𝐞𝐚𝐧𝐭 𝐭𝐨 𝐛𝐞? Meinleafe Louisse and Maverick Emilio, everything about them started so perfectly. Smooth and slow; like the hard-spherical ball tak...